ALAMIN: Batas na nagbibigay ng libreng career guidance sa HS students

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Batas na nagbibigay ng libreng career guidance sa HS students

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kamakailan ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang "Secondary School Career Guidance and Counseling Act" o batas na nagre-require ng career guidance at counseling sa mga estudyante na Grade 7 pataas.

Ayon kay Atty. Noel Del Prado, kaakibat ng batas ang pagkakaroon ng taunang career assessment exam para masukat ng estudyante ang kaniyang mga pagpipiliang kurso sa kolehiyo.

"Magbibigay ang DepEd (Department of Education) ng national career assessment exam, para bawat taon makita ng mga estudyante ang kanilang kakayahan," ani Del Prado sa "Usapang de Campanilla" noong Huwebes.

Bukod dito ay nagtatalaga rin ng guidance counselors para sa mga pampublikong paaralan para magabayan ang estudyante sa tatahaking kurso o career track.

ADVERTISEMENT

"Mayroon din itong aspeto na natutuo ang ating kabataan tungkol sa kanilang sarili, tungkol sa kanilang kinahihiligan, kinaaayawan... Mayroong propesyonal na gagabay sa kaniya," ani Del Prado.

Ayon din sa nasabing batas, mandato ng DepEd at ng Professional Regulation Commission na bumuo ng Career Guidance at Counseling Instructional Module para sa mga estudyante.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.