Lalaki, binaril ng dati umanong kaalitan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki, binaril ng dati umanong kaalitan

Martian Muyco,

ABS-CBN News

Clipboard

Isang tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng biktima. Ayon sa pulisya, may dati na umanong alitan ang suspek at ang biktima. Larawan mula sa Police station 10 ng Bacolod City


BACOLOD CITY – Patay ang isang 29-anyos na lalaki matapos na mabaril sa Barangay Handumanan sa lungsod na ito, Huwebes ng madaling araw.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Ronel Tolentino.

Ayon kay Police Major Armilyn Vargas, station commander ng Police Station 10, naglalakad ang grupo ni Tolentino sa isang footwalk sa Purok Datiles sa nasabing barangay nang maabutan ang isa pang grupo ng kabataan.

Pero sabi ng pulis, inabangan ng kabilang grupo ang grupo nina Tolentino.

ADVERTISEMENT

Dagdag ni Vargas, nakilalala na nila ang salarin sa tulong ng isang saksi sa insidente.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na may dati nang alitan ang salarin at biktima.

Desidido ang pamilya ni Tolentino na magsampa ng kasong murder laban sa hindi pa pinapangalanang suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.