Pulis na AWOL, arestado sa pagbebenta ng baril | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis na AWOL, arestado sa pagbebenta ng baril

Pulis na AWOL, arestado sa pagbebenta ng baril

John Germono,

ABS-CBN News

Clipboard

PANGASINAN - Arestado ang isang dating pulis at ang isa pang lalaki dahil sa iligal na pagbebenta ng mga baril matapos ang entrapment operation na isinagawa sa Sitio Aliling sa Bayan ng Aguilar, Huwebes ng gabi.

Ayon sa mga awtoridad, narekober mula sa mga suspek na kinilala bilang si Jeffry Cruz at si Jessie Caburnay ang 2 12-gauge shotgun, kalibre .45 na baril, 9-mm pistol, mga bala at magazine.

Ayon sa mga opisyal, sasailalim sa pagsusuri ang mga nakumpiskang baril upang malaman kung nagamit ang mga ito sa iba pang iligal na aktibidad.

"Kung titingnan natin galing siya ng Abra so most probably entire Luzon or entire Region 1 ang range ng transaction with regards to gunrunning," sabi ni Arturo Melchor Jr, hepe ng Aguilar PNP.

ADVERTISEMENT

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nag-AWOL o biglang hindi na pumasok sa serbisyo si Cruz noong 2014, habang isang electrician naman si Caburnay.

Bukod sa mga baril, nakuha rin mula kay Cruz ang iba't ibang mga ID niya noong siya ay pulis pa, ilang ID ng gun club membership, at calling card na umano'y galing kay Philippine National Police chief Ronald Dela Rosa.

Tumangging magbigay ng pahayag ang dalawang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearm and Ammunition.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.