ALAMIN: Kahulugan ng pagdeklara ng WHO sa COVID-19 bilang 'pandemic' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Kahulugan ng pagdeklara ng WHO sa COVID-19 bilang 'pandemic'

ABS-CBN News
Published Mar 12, 2020 06:51 PM PHT

MAYNILA — Nitong Huwebes ay ganap nang idineklara ng World Health Organization (WHO) na "pandemic" ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil sa malawakang pagkalat nito sa iba't ibang bahagi ng daigdig.

Apektado na kasi ng virus ang 6 kontinente sa mundo, o aabot sa higit 100 bansa.

"There are now more than 118,000 cases in 114 countries, and 4,291 people have lost their lives," ani WHO director Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Pero paano humantong sa pandemic ang naturang virus—na nagmula sa Wuhan City sa Hubei Province ng China—at ano ang malawakang ibig sabihin nito?

Ayon sa WHO, ang pagdeklara sa COVID-19 bilang pandemic ay walang kaakibat na bagong funding at hindi rin magsusulong ang anunsiyo ng bagong protocols, bagkus, isa lamang itong pagkilala sa bagsik ng pagkalat ng virus.

Matagal iniwasan ng WHO na tawaging pandemic ang sakit, lalo't maaari daw kasi itong magdulot ng panic kapag hindi wastong nagamit.

"Pandemic is not a word to use lightly or carelessly. It is a word that, if misused, can cause unreasonable fear, or unjustified acceptance that the fight is over, leading to unnecessary suffering and death," babala ni Ghebreyesus.

Kasabay ng deklarasyon ng WHO, sinabi ng Department of Health (DOH) na pinaghahandaan na nila ang mga susunod na hakbang para hindi na lalong kumalat ang sakit sa Pilipinas.

"Kahit noong isang araw pa, nag-uusap na ang mga ahensya para sa iba pa pong stratehiya para maitaas natin ang antas ng pagresponde," sabi ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes.

"Kasama na po d'yan ang pagtingin natin doon sa mga [travel] restrictions natin from other countries na may mga localized transmissions," dagdag niya.

Sa ngayon, pumalo na sa 52 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Dalawang pasyente dito ang pumanaw, ngunit hindi malinaw kung COVID-19 ba ang sanhi. —May ulat mula sa The New York Times; Kristine Sabillo at Raphael Bosano, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
COVID-19
pandemic
kahulugan
what is pandemic
coronavirus
disease
sakit
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT