Mga opisina ng SSS sa Metro Manila pinalawig ang operating hours | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga opisina ng SSS sa Metro Manila pinalawig ang operating hours

Mga opisina ng SSS sa Metro Manila pinalawig ang operating hours

Reiniel Pawid,

ABS-CBN News

Clipboard

Pila ng mga miyembro sa branch ng Social Security System sa Caloocan noong Agosto 26, 2020. Mark Demayo, ABS-CBN News/File
Pila ng mga miyembro sa branch ng Social Security System sa Caloocan noong Agosto 26, 2020. Mark Demayo, ABS-CBN News/File

Pinalawig ng Social Security System (SSS) ang operating hours ng mga tanggapan nito sa Metro Manila, sabi ngayong Lunes ng opisyal ng ahensiya.

Ayon sa pahayag ni SSS President and CEO Michael Regino, bukas ang mga Metro Manila branch ng ahensiya mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Makatutulong umano ang pinalawig na operating hours para matugunan ang dami ng mga miyembro na maagang nagtutungo sa mga SSS office para makipagtransaksiyon.

"I hope those long queues and camping out will soon be a thing of the past," ani Regino.

ADVERTISEMENT

May ilang SSS branch din sa Metro Manila na bukas tuwing Sabado, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Alok umano nila ang lahat ng transaksiyon maliban sa tellering service.

Bayad umano overtime ng mga empleyado ng SSS.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.