Ilang residenteng na-swab test sa Makati, nahuling lumabas ng bahay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang residenteng na-swab test sa Makati, nahuling lumabas ng bahay

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

May ilang residente ng Barangay Pio del Pilar sa Makati ang nahuli lumabas ng bahay habang naghihintay sa resulta ng kanilang COVID-19 test. Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

MAYNILA - May ilang residente sa isang barangay sa Makati na lumabas ng kanilang bahay habang hinihintay ang resulta ng COVID-19 test, ayon sa isang opisyal.

Nakatakdang matapos ang 72 oras na localized enhanced community quarantine sa 6 na kalsada sa Barangay Pio del Pilar sa Makati.

Umabot na sa 513 katao ang na-swab test sa huling tala nitong Lunes ng umaga, ayon kay Makati City spokesperson Don Camiña.

Nitong Lunes ng gabi naman ilalabas ang paunang resulta ng COVID-19 tests at papayagan nang lumabas ang mga nagnegatibo.

ADVERTISEMENT

Sa kabila nito, may ilan pa ring mga residente na na-swab test na hindi pa rin makahintay na makalabas, ayon kay Ike Marcelino, pinuno ng mga bantay-bayan ng Pio del Pilar.

May mga nasita ang mga tanod na nagpapahangin o nagpapalakad pa ng aso sa labas ng bahay.

Katwiran ng ilan, mainit kasi sa kanilang bahay. Ang iba naman, nakiusap na lumabas para bumili ng pagkain sa kabila ng ayuda na pinamigay ng barangay.

Ayon sa pamahalaang lungsod, nakapamigay ito ng 584 food packs mula Sabado.

Pinapayagan naman ang pagpapa-deliver pero cashless dapat ito at iaabot na lang ang pagkain.

ADVERTISEMENT

Hanggang sa mga checkpoint lang din pwede pumunta ang mga delivery rider.

Maaaring ma-extend ang lockdown ng 14 na araw kung may magpositibo sa isang bahay. Pag-aaralan din kung may ibang bahagi ng barangay na sasailalim sa lockdown.

Noong Linggo, may 124 naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pio Del Pilar, ang pinakamalaking barangay sa Makati.

Ito rin ang pinakamaraming bilang ng kaso ngayon sa mga barangay sa Makati, na sa kabuuan ay nagtala ng 824 active cases.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.