Simbahang Katolika nanalangin para sa ulan sa gitna ng water shortage
ADVERTISEMENT

Abner Mercado,
ABS-CBN News
Published Mar 17, 2019 02:19 PM PHT
|
Updated Mar 21, 2019 04:57 PM PHT

MANILA - Binasa sa mga Simbahang Katolika sa buong bansa ngayong Linggo ang isang panalangin para sa ulan sa gitna ng pagrarasyon ng tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila at Rizal province.

"Ang dasal natin sa gitna ng nararanasang krisis ngayon sa tubig ay umulan para maibsan ang nararanasan ng marami sa ating paghihirap dahil mahalaga ang tubig sa pang-araw-araw na pamumuhay," saad ng bahagi ng oratio imperata o panalangin.

Kabilang sa mga simbahan kung saan binasa ang panalangin ang St. Pope John Paul the Second sa Bagumbayan, Quezon City, kung saan pinangunahan ng parish priest na si Padre Aris Sison ang Misa.

"Maski ako nagtitimba na para may ipong tubig dahil mahirap mawalan," kuwento ni Sison sa ABS-CBN News.
"Maski ako nagtitimba na para may ipong tubig dahil mahirap mawalan," kuwento ni Sison sa ABS-CBN News.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Sison, ang kakapusan sa tubig ay paalala para sa pagtitipid at pagpapahalaga rito.

“Dito din sa panahong ito masusukat ang malasakit ng bawat isa sa kapwa. 'Yong magbahagi ng tubig sa nangangailangan at hindi sariling kapakanan lamang ang isinasaalang-alang," sabi ng pari.

Kalbaryo naman ang pumapalyang suplay ng tubig para sa ilang parishioner tulad ni Zenaida Malembo, tenant ng isang condominium building.

"Minsan sa swimming pool na namin kinukuha ang tubig namin para pambuhos sa CR," ani Malembo.

Perwisyo rin ang dulot ng kakulangan sa suplay ng tubig sa residenteng si Lucy Martin, na 10 nang naninirahan sa Pilipinas mula nang magretiro mula sa trabaho sa New York.

"Wala nang pinipili ito mahirap mayaman. I’d rather not to have electricity than water. Mahirap walang tubig," ani Martin.

Una nang ipinanawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagbasa ng panalangin para sa ulan ngayong Linggo.

Read More:
DZMM
tagalog news
PatrolPH
Catholic Church
prayer
religion
oratio imperata
water crisis
water shortage
tubig
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT