'Chop-chop' na katawan ng tao, natagpuan sa Rizal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Chop-chop' na katawan ng tao, natagpuan sa Rizal

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Isang "chop-chop" victim ang natagpuan sa isang kalye sa Rodriguez, Rizal.

Pasado alas-6 Huwebes ng umaga nang itawag ng isang concerned citizen sa Rodriguez Police Station ang impormasyon na may mga bahagi ng katawan ng tao na natagpuan sa gilid ng Don Mariano Avenue sa Barangay San Jose, Rodriguez.

Magkahiwalay na nakasilid sa itim na garbage bag ang mga bahagi ng katawan. Ito ay ang ulo na tila lalaki at braso na may tattoo. May singsing pa ang daliri ng biktima.

Nagpatawag ng imbestigador ang Rodriguez Police para suriin ang lugar kung saan iniwan ang chop-chop victim.

ADVERTISEMENT

Patuloy pa ang imbestigasyon habang inaalam na rin ng mga otoridad kung may iba pang bahagi ng katawan ng tao na matatagpuan sa ibang lugar.

Wala pa naman umanong nagrereport sa police station ng nawawalang kaanak.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.