ALAMIN: Paano makukuha ng displaced workers ang ayuda mula sa DOLE | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Paano makukuha ng displaced workers ang ayuda mula sa DOLE
ABS-CBN News
Published Mar 18, 2020 01:53 PM PHT

Magbibigay ang gobyerno ng cash assistance para sa mga manggagawa sa pribadong sektor na apektado ng isang buwang lockdown sa Luzon bunsod ng coronavirus disease (COVID-19), ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP), makatatanggap ng "one-time financial assistance" na nagkakahalagang P5,000 ang manggagawa kahit ano pa ang employment status nito.

Pasok sa programa ang mga pribadong establisimyento na nagpatupad ng flexible working arrangements (FWAs) o temporary closure dahil sa COVID-19.

READ: DOLE's guidelines for COVID Adjustment Measures Program for affected workers. 1/2 pic.twitter.com/b5pCAlgeyl
— Zen Hernandez (@zenhernandez) March 17, 2020

Para makakuha ng tulong pinansiyal, dapat magsumite ang mga employer ng "establishment report" na nagpapaliwanag kung paano naapektuhan ng pagkalat ng COVID-19 ang kaniyang negosyo, at company payroll para sa buwan bago nagsimula ang temporary closure.

Isusumite ang aplikasyon at mga required na dokumento sa online applicaiton system ng DOLE.

Magsasagawa ng evaluation o susuriin ng DOLE kung eligible o karapat-dapat sa tulong ang mga aplikante. Makatatanggap ang aplikante ng email ng notice of approval o notice of detail makalipas ang 3 araw.

Puwedeng ma-deny ang aplikasyon ng employer dahil sa ineligibility, misrepresentation of facts, at submission of falsified documents.

Idederetso ng DOLE regional office ang tulong pinansiyal sa payroll account ng benepisyaryo sa pamamagitan ng bank transfer sa loob ng 2 linggo.

Nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang dokumento para sa ayuda kasunod ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, na hakbang laban sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Dahil sa enhanced quarantine, kinailangan munang magsara ng mga mall at iba pang non-essential establishment. -- May ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
cash assistance
financial aid
Department of Labor and Employment
hanapbuhay
displaced workers
enhanced community quarantine
COVID-19
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT