No-window-hours scheme ipapatupad sa Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
No-window-hours scheme ipapatupad sa Maynila

ABS-CBN News
Published Mar 26, 2019 08:08 PM PHT

Aalisin na ang "window hours" sa lahat ng kalye sa buong Kamaynilaan. Ibig sabihin, wala na ang palugit na ilang oras kung kailan maaaring bumaybay sa kalsada ang mga sasakyang sakop ng number coding.

Kasalukuyang nasa pagpapasya ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng window hours.

Pero ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, pag-iisahin na nila ang "no-window hours" scheme sa mga lugar sa Metro Manila na nagpapatupad ng number coding para hindi na magkalituhan ang mga motorista.

Aprubado na rin daw ito ng Metro Manila Council.
Aprubado na rin daw ito ng Metro Manila Council.
ADVERTISEMENT
"Kahit kami nalito eh nu'ng nakita ko 'yung mga butas... Per city may mga window pagtawid mo may window na naman, nagkakagulo, nagagalit ang tao," ani Garcia sa isang press conference ngayong Martes.

Sa ilalim ng bagong scheme, bawal nang dumaan sa mga national, circumferential, radial, at major thoroughfares ang mga motoristang may plaka na akma sa coding o Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) simula alas-7 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.

Ngunit hindi kasama rito ang mga siyudad na hindi talaga nagpapatupad ng coding scheme gaya ng Navotas, Pateros, Taguig, Marikina, at Muntinlupa.

"Sa local ordinance nila, either ili-lift nila 'yan, pero may proseso 'yan, matagal. But we can't wait na magkaro'n ng status quo na naman... Kaya lahat ng jurisdiction ng MMDA, national road, hindi ho talaga puwede wala hong window 'yan," sabi ni Garcia.

Sa susunod na linggo umaasa ang MMDA na plantsado na ang mga patakaran ng kada local government unit (LGU) para maipatupad na ito sa Metro Manila.

Inatasan na rin ng MMDA ang mga LGU na kanselahin ang mga business permit ng 96 provincial bus terminals hindi lang sa EDSA, kung hindi sa buong Metro Manila.

Dapat na lamang daw gamitin ang mga interim terminals sa Sta. Rosa at Valenzuela pagdating ng Hunyo.

Ayon din sa MMDA, aayusin na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Bureau ang prangkisa ng mga city buses para may masakyan ang mga bababa at sasakay sa mga interim terminals.

Magpapatupad din ng 60 kph na speed limit ang MMDA sa buong Kamaynilaan, na babantayan lalo na sa gabi at madaling araw.

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
balita
Metro Manila
window hours
coding
number coding
Kamaynilaan
LTFRB
UVVRP
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT