Ilang residente sugatan sa pagsiklab ng sunog sa Makati

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

Ilang residente sugatan sa pagsiklab ng sunog sa Makati

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 29, 2019 11:16 AM PHT

Clipboard

Nakita ng mga motorista sa kahabaan ng EDSA-Magallanes ang makapal na usok mula sa isang sunog sa Bangkal, Makati. Marso 29, 2019. Thea Alberto-Masakayan, ABS-CBN News

MANILA (UPDATED) - Ilang residente ang nasugatan nang sumiklab ang sunog sa isang bahagi ng Makati, Biyernes ng umaga.

Ayon sa mga awtoridad, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa mga light material ang magkakadikit na bahay sa kanto ng Gen. Malvar Street at Gen. Mascardo Street.

Bandang alas-10 ng umaga ay kontrolado na ng mga bombero ang apoy, na patuloy nilang inaapula.

Hindi pa natutukoy ng mga kinauukulan ang sanhi ng apoy.

ADVERTISEMENT

Pasado alas-6 ng umaga nang makita ng mga motorista ang paglabas ng maitim na usok mula sa Barangay Bangkal.

Iniakyat sa ikatlong alarma ang sunog wala pang 20 minuto matapos itong magsimula, ayon sa mga awtoridad.

Tatlong substation ng Bureau of Fire Protection ang kinailangang rumesponde sa sunog.

- ulat mula kay Raya Capulong, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.