'Daylight savings', modified coding itinutulak dahil sa bumibigat na NCR traffic | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Daylight savings', modified coding itinutulak dahil sa bumibigat na NCR traffic
ABS-CBN News
Published Mar 30, 2022 07:13 PM PHT

MAYNILA - May ilang ihinihirit na coding at working schemes ang Metro Manila traffic authorities para maibsan ang sumisikip na daloy ng mga sasakyan sa lugar, sa harap ng pagpapatupad ng Alert Level 1 sa rehiyon.

Kabilang sa mga ihinihirit ng Metropolitan Manila Development Authority ay ang odd-even scheme, modified number coding scheme, at ang kasalukuyang number coding mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi, maging ang "daylight savings" o pagpapaaga ng pagpasok ng mga kawani ng gobyerno sa opisina.

Sa ihinihirit na odd-even coding scheme, bawal sa ilang kalsada tuwing Lunes at Huwebes ang mga plakang nagtatapos sa odd numbers (1,3,5,7,9) mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Ganito rin ang gagawin ng mga sasakyang may plakang nagtatapos sa even numbers (2,4,6,8,0) tuwing Martes at Biyernes.

Sa ihinihirit namang modified number coding scheme, bawal lumabas tuwing Lunes ang mga sasakyang nagtatapos sa 1, 2, 3, at 4. Pagbabawalan sa kalsada ang mga plakang nagtatapos sa 5, 6, 7, 8 tuwing Martes.

Kung Miyerkoles, pagbabawalan sa kalsada ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 9,0,1, at 2.

Tuwing Huwebes naman pagbabawalan ang sasakyang may plakang nagtatapos sa 3,4,5 at 6 at bawal naman sa kalsada ang sasakyang may plakang mga nagtatapos sa 7,8,9,0 tuwing Biyernes.

Ayon kay MMDA General Manager Romando Artes, mababawasan nang 50 porsiyento ang trapiko sa pagpapatupad ng odd-even scheme habang 40 porsiyento naman ng trapiko ang mababawasan sa modified number coding scheme.

Nasa 20 porsiyento naman umano ang traffic volume reduction sa ipinapatupad ngayong number coding set-up.
Nasa 20 porsiyento naman umano ang traffic volume reduction sa ipinapatupad ngayong number coding set-up.
ADVERTISEMENT
Posible rin aniya ang pagpapatupad ng daylight saving time sa mga tanggapan ng gobyerno kung saan gagawing alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon ang pasok sa trabaho para mabawasan ang mga biyahero tuwing rush hour.

"Ito po ay ginagawa sa ibang [lugar] tulad ng New York City kung saan pinapaaga po 'yung pagpasok ng mga tao sa gobyerno para 'yung mga nagta-transact at 'yung nga empleyado ng gobyerno ay makapasok nang maaga, ganoon din po makauwi ng maaga," ani Artes sa public address kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ihinihirit din ang 10-hour na 4 working day scheme o hybrid na on-site at work from home scheme sa pribado at pampublikong empleyado.

Ipapaalam pa ang nasabing working schemes sa Civil Service Commission, ayon sa MMDA.

-- May mga ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News
Read More:
Metro Manila
number coding
coding scheme
cars
sasakyan
daylight savings
transportasyon
traffic
trapiko
modified coding
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT