Mga asong-gala pinapakain ng animal welfare advocates sa Davao sa gitna ng quarantine

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga asong-gala pinapakain ng animal welfare advocates sa Davao sa gitna ng quarantine

Berchan Louie Angchay,

ABS-CBN News

Clipboard

Umani ng mahigit 3,000 reactions ang post ni Sonia Geli, isang animal welfare advocate, matapos magpakain ng stray dogs sa Buhangin, Davao City noong Marso 25. Photo Courtesy: Sonia Geli

DAVAO CITY - Ngayong walang makain ang mga aso sa lansangan sa gitna ng enhanced community quarantine, naisip ng animal welfare advocate sa siyudad na mamigay ng mga pagkain para rito.

Umani ng mahigit 3,000 reactions ang post ni Sonia Geli, isang animal welfare advocate, matapos magpakain ng stray dogs sa Buhangin, Davao City noong Marso 25.

Sa video, makikitang pinapakain niya ang mga asong nagtatago sa ilalim ng mga sasakyan, sa mga halaman, at mga establisimyento.

Pinaghalong kanin at mga canned meat ang ipinakain sa halos mga 30 aso.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Geli, kahit naka community quarantine ang Davao City ay naging bukas pa rin ang kaniyang puso para sa mga hayop, lalo na sa mga asong walang kumakalinga.

“Karamihan sa kanila sa mga dogs ay nasa ilalim nalang ng mga sasakyan, natutulog, nagpapalipas ng gutom, kawawa talaga sila… Sa feeding program na ito hindi na ako nag iinvite ng mga volunteers kasi delikado na ang panahon kadalasan ako na gumagawa para iwas sa grupo-grupo,” ani Geli sa panayam sa ABS-CBN News noong Miyerkoles.

Umani rin ng papuri mula sa netizens ang naging hakbang ni Geli.

Nag-ikot-ikot rin si Geli, kasama ang kaniyang grupo na Davao Animal Welfare Group sa mga kabahayan na may mga alagang hayop at namigay ng mga pagkain.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.