ALAMIN: Ano ang party-list system? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Ano ang party-list system?
ALAMIN: Ano ang party-list system?
ABS-CBN News
Published Apr 04, 2018 03:32 PM PHT
|
Updated Apr 04, 2018 04:51 PM PHT

Ang party-list system ay kumakatawan sa mga "marginalized sector" o mga grupong hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa lipunan, ayon sa isang abogado.

Sa programang "Usapang de Campanilla" sa DZMM, ipinaliwanag ng abogadong si Atty. Claire Castro ang party-list sytem sa Kongreso.

Ayon kay Castro, layon ng mga party-list na makagawa ng batas para sa kapakanan ng mga kinakatawan nito.

"Iyun ang pinaka-purpose bakit nagkaroon ng party-list, kasi sabi nga natin, ito yung mga marginalized sector, hindi napapansin, maliit ang makinarya nila, kaya sila binigyan ng ganitong pagkakataon kasi para ma-represent niyo 'yung supposed to be members niyo," paliwanag ng abogado.

"Para kung ano man 'yung advocacy ng grupo ninyo, ay maidulog niyo sa Congress at makakagawa kayo ng magandang batas para sa welfare ng mga miyembro ninyo," dagdag ni Castro.

Ngunit may mga kailangan umanong sundin para makasali ang isang party-list sa Kongreso.

"Supposed to be kasi, para ikaw ay makasama sa Kongreso at ikaw ay ma-qualify na party-list sa Kongreso, may 2 percent ka na votes of the total votes," ani Castro.

Bukod pa riyan, kapag hindi nakamit ang kinakailangan na porsiyento ng boto sa dalawang magkasunod na eleksiyon, maaaring tanggalin ng Commission on Elections (Comelec) ang isang party-list sa listahan ng mga rehistradong grupo.

Maaari ring matanggalan ng akreditasyon ang isang party-list kung hindi ito sumasali sa eleksiyon, ayon kay Castro.

Bagama't maganda ang layunin, puwede rin umanong maabuso ang party-list system.

"Ang masakit lang dito, let's say ikaw ay naging congressman na, halimbawa natapos na ang [tatlong] term mo, lilipat ka ng party-list," sabi ni Castro.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
DZMM
Usapang de Campanilla
batas kaalaman
party-list system
party-list
Congress
election
Comelec
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT