Lola, pinukpok ng dos por dos, ibinaon sa Laguna
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lola, pinukpok ng dos por dos, ibinaon sa Laguna
ABS-CBN News
Published Apr 04, 2018 08:01 AM PHT

CALAMBA CITY, Laguna - Natagpuang nakabaon ang isang senior citizen sa tabi ng isang creek nitong lungsod Martes ng umaga.

Nakabalot si Marciana Del Mundo, 61-anyos, ng kumot na regalo ng kaniyang anak.

Arestado naman ang kinakasama nitong si Simeon Amoranto, 44-anyos, na umamin sa krimen.

"Lagi po akong pinapahiya ng aking kinakasama," aniya. "Kaya paghawak ko po ng dos por dos, hindi ko na po napigilan ang aking sarili kaya napukpok ko siya."

Ayon kay Legaspi Del Mundo, panganay na anak ng biktima, nagtaka sila bakit hindi bumisita ang kanilang nanay noong Pasko ng Pagkabuhay.

"Noon pong Friday, kumain pa kami ng lunch. Sama-sama pa kaming magkakapatid kasama namin siya," aniya.

Tinawagan umano ng kaniyang kapatid ang biktima noong Linggo pero naka-off ang cellphone nito.

Nagsimula silang maghanap sa kanilang nanay Lunes ng umaga. Biyuda ito pero may kinakasama na si Amoranto.

Nagtanong pa sila kay Amoranto, pero sinabihan sila na sumama umano ang biktima sa isang outing.
Nagtanong pa sila kay Amoranto, pero sinabihan sila na sumama umano ang biktima sa isang outing.
ADVERTISEMENT
Laking gulat na lang ng pamilya nang matagpuan ang kanilang nanay na nakabaon ilang metro sa tahanan nito sa Barangay Halang.

"Huli pong nakita nila ang biktima noong Biyernes Santo," ani Inspector Carmen Balila ng Calamba City police.

"Nakita po ng mga witness natin na pinukpok ng kahoy ang biktima."

Pinagsisisihan naman ng suspek ang kaniyang nagawa.

"Ako po ay nanghingi ng pasensiya sa kanila. Hindi ko rin po kagustuhan ang pangyayari. Punong-puno na lang po talaga ako," ani Amoranto.

Hindi naman ito matanggap ng pamilya, lalong lalo na sa panganay na anak ng biktima.

"Masakit sa amin, lalo na sa akin. Nang mamatay ang tatay namin, ako na ang tumayong ama," ani sa nakababatang Del Mundo.

"Sana makulong siya ng habambuhay sa ginawang pagpatay sa nanay namin."

Nakakulong ngayon sa Calamba City police ang suspek na nahaharap sa kasong murder.