Dugo ni Christine Silawan natagpuan sa mga damit ng suspek: NBI

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dugo ni Christine Silawan natagpuan sa mga damit ng suspek: NBI

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tugma ang dugo ni Christine Lee Silawan sa nakitang mga dugo sa sombrero at t-shirt ng 17 anyos na suspek sa pagpatay sa kaniya.

Batay ito sa DNA test na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa dugo ni Silawan, na pinaslang at binalatan pa ang mukha nang matagpuan sa Lapu-Lapu City sa Cebu.

Ayon sa NBI, magpapatibay ang resulta sa isinampang kaso laban sa binatilyo.

"Napakalakas ng ebidensyang ito.. this will speak for itself... 'yung participation ng suspek," ani Tomas Enrile, director ng NBI Region 7.

ADVERTISEMENT

Kinasuhan ng murder in relation to violation of Cybercrime Act ang suspek, base sa palitan umano nila ng text messages ng biktima.

Ayon pa sa NBI, posibleng gawing state witness ang suspek kung makumpirmang fraternity ang nasa likod ng krimen.

-- Ulat ni Annie Perez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.