Itinuturong bagong species ng tao nadiskubre sa kuweba sa Cagayan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Itinuturong bagong species ng tao nadiskubre sa kuweba sa Cagayan
ABS-CBN News
Published Apr 11, 2019 08:22 PM PHT
|
Updated Apr 11, 2019 08:36 PM PHT

Ipinresenta ngayong Huwebes ang buto ng bagong species na natagpuan sa Callao Cave sa Cagayan Province na pinaniniwalaang nabuhay halos 70,000 taon na ang nakalipas -- na kung tawagin ay Homo luzonensis.

Kabilang sa mga ipinakita ang isang foot bone, apat na hand bone, isang leg bone, at pitong ngipin.

Nadiskubre ang mga buto sa tulong ng grupo ng scientist at archaeologist na si Prof. Armand Salvador Mijares ng University of the Philippines. Sinimulan nila ang paghuhukay noong 2003.

Taong 2007 natagpuan ang unang footbone. Natagpuan naman noong 2011 ang ilang piraso ng ngipin, mga handbone, at isang leg bone.

Nakuha naman ang isa pang ngipin noong 2015. Pinaniniwalaan ding mula sa tatlong magkakaibang tao ang mga butong nakita.

"We only found so far in Luzon, so far. That’s why we call it luzonensis. It might be in other islands too," ani Mijares sa isang press conference.

Halos tatlong metro ang hinukay ng mga archaeologist sa ilalim ng lupa gamit ang kamay at bamboo stick, dahil maselan daw ang mga buto, ayon kay Emil Robles, research associate ng UP Archaeological Studies program.

Nabuhay umano ang mga naturang species bago pa dumating ang Homo sapiens kung saan kabilang ang mga taong nabubuhay ngayon.

Tatlo ang ugat ng premolar teeth ng Homo luzonensis. Magkakapareho rin ang laki ng kanilang mga premolar at molar teeth - o ang mga ngiping matatagpuan sa gilid ng bibig - sa mga Homo sapiens.

Bahagya pakurba naman ang porma ng buto ng Homo luzonensis, na indikasyon umano na posibleng iba ang nagagawa nila kumpara sa tao ngayon.

"It is a fully bipedal creature. It can walk. Maybe it has better climbing capability than current Homo sapiens," ani Mijares.

Posibleng umanong nabuhay ang Homo luzonensis nang may 50,000 hanggang 67,000 taon ang nakaraan at maaari pa raw itong nag-abot sa mga Homo sapiens.

Pero ayon kay Mijares, siguradong tapos na ang lineage ng lahat ng Homo luzonensis at hindi na nasundan pa ang kanilang lahi.

Dahil sa natuklasang ito, maaaring madagdagan ng bahagi ang human evolution o human family tree. Ang pagtuklas naman ng Homo luzonensis ang kontribusyon ng mga Pilipino sa world heritage at sa kasaysayan.

-- Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Homo luzonensis
Cagayan
Cagayan Province
Callao Cave
Homo sapiens
Prof. Armand Salvador Mijares
Emil Robles
UP Archaeological Studies program
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT