Sobrang init at biglang ulan, nagdudulot ba ng paglindol? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sobrang init at biglang ulan, nagdudulot ba ng paglindol?
ABS-CBN News
Published Apr 12, 2017 03:26 PM PHT
|
Updated Apr 13, 2017 01:49 AM PHT

Sa gitna ng pangamba dahil sa mga naitalang lindol sa iba't-ibang bahagi ng bansa, marami ang nagtatanong: may epekto ba ang mainit na panahon at biglang paulan sa mga pagyanig?

Nilinaw ni Renato Solidum, pinuno ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), hindi konektado ang pabago-bagong klima at ang lindol.

Hindi gaya ng isang mainit na basong maaaring mabasag kung ito ay mababad sa malamig na tubig, hindi umano magiging dahilan ng paggalaw ng lupa ang sobrang init at biglang buhos ng ulan, ayon kay Solidum.

"Yung tagos ng init ng araw masyado pong mababaw, so yung init ng araw, walang impluwensiya doon sa pinaka-loob at talagang pinanggagalingan ng lindol," ani Solidum sa isang panayam sa DZMM.

"Kahit mainit, kahit maulan, pwede pong lumindol. Pagkakataon lang na merong mainit tapos umuulan; ito po ay walang impluwensiya doon sa paglindol," dagdag niya.

Ayon kay Solidum, hindi rin senyales ng parating na lindol ang init at biglang buhos ng ulan.

Nauna na rin niyang nilinaw na hindi maaaring maging dahilan ng tinatawag na "Big One" ang naramdamang paggalaw ng fault line sa Batangas nitong Sabado dahil magkaibang fault ito.

Ang "Big One" ay ang magiging paggalaw umano ng West Valley Fault na bumabagtas sa ilang mga siyudad sa Metro Manila at karatig bayan nito na lilikha ng magnitude-7.2 na lindol. Hanggang 34,000 umano ang maaaring mamamatay kung ito ay mangyayari at hanggang 100,000 naman ang maaaring masaktan.

Kahit pa man hindi maaaring maging dahilan ng "Big One" ang mga huling naitalang lindol, paalala pa rin ni Solidum at ng ilan pang mga kinauukulan na mas mabuti pa ring maging handa para dito.