Arestadong 'Tokhang' rapper, itinangging kaniya ang drogang nasamsam

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Arestadong 'Tokhang' rapper, itinangging kaniya ang drogang nasamsam

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 12, 2018 09:20 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Itinanggi ng naarestong rapper na si Zaito na pag-aari niya ang mga ilegal na drogang nakuha sa kaniyang bahay sa Kawit, Cavite.

"'Di sa'kin 'yon, naiwan ng tropa 'yon eh. 'Di ko alam kung sinong tropa may galit sa'kin at ginawa 'yon," sabi sa ABS-CBN News ni Zaito nitong Huwebes.

Nahuli si Zaito noong Martes, Abril 10, nang halughugin ng Cavite police ang kaniyang bahay matapos makatanggap ng sunod-sunod na sumbong mula sa mga kapitbahay.

Nakuha sa kahon ng gatas ang tatlong sachet ng shabu.

ADVERTISEMENT

Kilala sa larangan ng Fliptop o rap battle si Zaito, o Pedro Canon Jr., na isa rin sa mga kumanta ng "Oplan Tokhang" jingle ng Philippine National Police.

Nakatakdang magpiyansa si Zaito, na sinampahan ng kasong illegal possession of drugs.

-- Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.