Mga biyahe naantala, ilang lugar binaha dahil sa Bagyong Amang
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga biyahe naantala, ilang lugar binaha dahil sa Bagyong Amang
ABS-CBN News
Published Apr 12, 2023 03:58 PM PHT
|
Updated Apr 12, 2023 08:22 PM PHT

(UPDATE) Libo-libong pasahero ang na-stranded at maraming residente ang inabot ng baha sa mga probinsiya sa pananalasa ng bagyong Amang.

Sa huling tala ng Philippine Coast Guard, higit 4,500 ang stranded sa mga malalaking pantalan sa Bicol, Calabarzon at Eastern Visayas.

Binaha naman ang bahagi ng highway sa Brgy. San Roque, Bombon, Camarines Sur dahil sa ulan na dulot ng unang bagyo sa taong ito.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Camarines Sur dahil sa bagyo umpisa pa noong Martes.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Camarines Sur dahil sa bagyo umpisa pa noong Martes.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Police Captain Rechilda Matias ng Bombon, umapaw ang irrigation canal kaya binaha ang kalsada. Malalaking sasakyan lang ang nakadaan dito kaninang madaling araw, pero nakalusot din ang light vehicles nang pansamantalang tumigil ang ulan.

May mga bahay na pinasok ng tubig, pero walang naitalang evacuees ang pulisya.

"Kung alam naman na binabaha yung lugar, mas mabuti pong mas maaga mag-evacuate na po para hindi po iyong hapon or gabi na saka po sila magpapa-rescue. Mas mabuti po na mas maaga silang ma-rescue para wala naman tayong casualties," ani Matias.

Binaha rin ang ilang bahagi ng Naga, Calabanga, Camarines Sur, at Daet, at inulan din ang Iriga City.

Tiniyak ng Office of Civil Defense na nakahanda nang rumesponde ang kanilang rescuers, mga doktor at emergency worker.

-- May mga ulat ni Ariel Rojas, ABS-CBN News, at ni Jonathan Magistrado
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT