Hardware shop, nasunog sa Parañaque | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Hardware shop, nasunog sa Parañaque
Jeffrey Hernaez,
ABS-CBN News
Published Apr 13, 2019 10:56 PM PHT

Tinupok ng apoy ang isang hardware shop sa Villa Mendoza Subdivision sa Barangay San Isidro, Parañaque City Sabado ng gabi.

Sunog. sumiklab sa Villa Mendoza Subdivision sa San Isidro, Parañaque | ulat ni @jeffreyhernaez pic.twitter.com/OreYrZEHJG
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) April 13, 2019

Ayon sa Bureau of Fire Protection, sumiklab ang sunog pasado alas-6 ng gabi na mabilis tumaas sa ikalawang alarma. Nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy na bigla uling nagliliyab ilang saglit.

Mabilis rumesponde ang mga bumbero lalo pa’t peligrong madamay ang mga katabing commercial establishment ng hardware shop, tulad ng restaurant at bangko.

Wala umanong tao sa loob at sarado ang shop nang masunog kaya walang nakakaalam kung ano ang pinagmulan ng apoy.
Wala umanong tao sa loob at sarado ang shop nang masunog kaya walang nakakaalam kung ano ang pinagmulan ng apoy.
ADVERTISEMENT
Nagdulot ng masikip na daloy ng trapiko ang sunog sa Dr. A. Santos Avenue na nakaharangan ng mga rumespondeng firetruck.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente.