Unang araw ng Overseas Voting, dinagsa sa Gitnang Silangan at Europa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Unang araw ng Overseas Voting, dinagsa sa Gitnang Silangan at Europa
Maxxy Santiago | ABS-CBN Middle-East News Bureau
Published Apr 13, 2022 10:17 AM PHT

Dumagsa ang overseas voters sa mga embahada at konsulado ng Pilipinas sa Gitnang Silangan kasama ang ilang bansa sa Europa sa unang araw ng overseas voting.

Ayon sa COMEMEC, ang Middle East at Africa region ang may pinakamaraming registered overseas voters na mahigit pitong daang libong botante.

KUWAIT
Maaga pa lang, marami na ang naghihintay sa labas ng Philippine Embassy para bumoto sa unang araw ng overseas voting sa Kuwait.

“Kanina after the Fajr prayer, ipinagdadasal ko na sana manalo ang tunay na mamumuno sa Pilipinas para sa ikabubuti ng taumbayan sa Pilipinas at abroad. Hinihikayat ko ang ating mga kababayan na i-exercise nila ang rights of suffrage nila,” pahayag ni Lomondot.

Isa sa mga maagang pumila sa embahada si Abdulia Adarne, isang first-time voter.

“Madali lang at saka masaya ako dahil sa edad kong 60 ngayon lang ako nakaboto. First time ko talaga,” sabi ni Adarne.

“Ito ay mahalaga sa ating lahat dahil ang ating karapatan para pumili ng magiging leader ng ating bansang Republika ng Pilipinas,” sabi ni Killy Cruz OFW sa Kuwait.

Mahigit limang daan ang bumoto sa unang araw ng overseas voting dito Kuwait at inaasahang dadami pa ang boboto sa mga darating na araw hanggang May 9.

SAUDI ARABIA
Sa Riyadh, Saudi Arabia, dagsa ang mga Pinoy sa Embahada ng Pilipinas sa unang araw ng overseas voting. Kitang-kita sa mga mukha ng mga botante ang saya at excitement na bumoto.

Pinangunahan ni Ambassador Adnan Alonto ang pagboto kasama ng kanyang maybahay na si Jo Alonto.

Anya, marami silang ginawang pagbabago upang mas maging maayos ang botohan sa Saudi Arabia

“Dalawa ang inintroduce natin, number one yung voting centers natin dinagdagan natin, yung dati tatlo lang sa Embassy sa Riyadh, IPSA Al Khobar at PCG Jeddah, ngayon nagdagdag sa Buraidah para matugunan ang karatig pook sa Philippine international sa Buraidah. Ang pangalawa, magkakaroon tayo ng apat na field voting sa Hail, Hafer Al Batin ,Al Hada Sakaka al Jouf ‘di ako sure kung first time ‘yan pero yun, kinumbinse natin ang COMELEC na magsagawa,” sabi ni Ambassador Alonto.

Hiniling ng Philippine Embassy ang field voting para maabot ang mga kababayan sa malalayong siyudad. Sa umpisa smooth ang takbo ng botohan.

“Okay na po medyo mabilis ang proseso, tapos na ang laban panalo na, walang aberya,” sabi ni Arnulfo Malangin, botante.

Pero may mga aberya sa paghahanap ng mga pangalan. “Ngayon naghanap kami ng sequence number para pipila sa taas ganito ngayon ang sitwasyon, kanina pa ako 10 am dito mga isang oras na kami 'di namin alam kung anong oras matatapos ito kasi sa dami ng tao yung pangalan hindi synchronize,” sabi ni Jonathan Gallego, botante.

May iba ring nahirapan sa haba ng pila dahil tila hindi maubos-ubos ang tao. “Ask of now medyo mababa na ang pila pero madali naman makita amg pangalan pero almost two hours na kami dito nakapila sa daming tao, kasi hanapin mo pangalan mo sa baba tapos akyat ka ulit para for another para ibigay ang number namin para boboto kami,” sabi ni Danilo Gilbor, botante.

Sa Jeddah, maaga pa lamang ay nakapila na ang OFWs para makaboto. Ilan lang sila sa halos 17,000 registered voters sa Western region ng Saudi Arabia. Dahil sa pagpapatupad pa rin ng COVID-19 protocol, by batch ang pagpasok sa voting area.

Bago mag-alas-otso ng umaga, sinuri muli ang ballots boxes, at sinigurong alinsunod sa alintuntunin ng COMELEC na zero lahat ang counters ng machines.

Umabot din ng halos 15 minuto, hanggang ideklara ni Consul General Edgar Auxillian na handa na ang machines at staff para sa botohan.

"We have tested all the procedures, nakita niyo naman, zero lahat. So, we can start the voting," sabi ni Auxilian.

BAHRAIN
Sa Bahrain, dinagsa rin ng mga Pilipino sa Bahrain ang unang araw ng Overseas Voting. Sa harap ng volunteer watchers, naging maayos ang pagbukas ng Vote Counting Machine (VCM) at ng mga balota.

“Sobrang excited kaya napaaga akong pumunta dito sa PE. At isa pa po, kasi may trabaho ako. Tungkol naman po sa proseso, mabilis naman po. Maganda naman po ung pag-assist nila sa amin. Kumbaga maayos naman po lahat,” sabi ni Julie Anne Cabebe, botante.

“Maasikaso naman sila. Mabait naman po sila. Tsaka meron pong ng nag-aassist sa lahat. Masaya po ang pakiramdam na nakaboto po ako ngayong taon,” sabi ni Dorie Vellondo, botante.

Full force din ang mga kawani ng Philipine Embassy sa Manama.
Full force din ang mga kawani ng Philipine Embassy sa Manama.
ADVERTISEMENT
“Hinihikayat po ang lahat ng ating kababayan na pumunta at bomoto kung kayo po’y regular voter dito sa Manama, Bahrain maaari na po kayong tumungo sa ating embahada at bomoto simula ngayong April 10 hangang May 9 sa embahada mula alas- 8 ng umaga hangang alas-4 ng hapon upang kayo’y tanggapin at tulungan para sa ating 2022 OAV,” sabi ni Maria Paz Cortes, Philippine Embassy Chargé d' Affaires.

OMAN
Sa Muscat, Oman, naging maayos ang pagsisimula ng botohan, mabilis din ang pila sa paghahanap ng pangalan sa voters list.

“Maganda naman po at mabilis ang paghanap ng pangalan natin at pagboto dito kaya mga kababayan halina at bumoto po tayo,” sabi ni Marchie Cayetano, botante.

“Wala po akong masasabi sa proseso ng botohan dito sa Oman the best, sana po maging maayos po ang lahat.” sabi ni Louis Bautista, botante.

“Day 1 po natin sa one month long election marami na po tayong mga kababayan na pumunta ngayong umaga and they already cast their votes, meron po tayong April 10 up to May 9 to vote everyday po iyan, bukas kami mula alas-otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon. Maliban na ang po sa last day on May 9 hanggang alas-tres ng hapon. Mahalaga po itong ehersisyo na ito para po ito sa atin, para sa bayan natin sa future ng ating pamilya at mga kabataan,” sabi ni Panolong.

UNITED ARAB EMIRATES
Sa Dubai, mag-aala-sais pa lang ng umaga may mga nakapila na sa gate ng Philippine Consulate sa Dubai at Northern Emirates para makaboto sa unang araw ng overseas voting sa Dubai.

Tulad ni Rosa Lopez na nasa pila na kahit 5:45 pa lang ng umaga. “Kasi day off namin, alam naming maraming tao at saka excited din” sabi ni Rosa Lopez, OFW.

Habang abala sa loob ng konsulado sa pagsimula ng botohan, patuloy pa rin sa pagdating ng mga botante sa unang araw ng overseas voting sa Emirates.

Nagbukas ang consulate ng 8:00 am at nakaboto ang unang botante ng 8:15 am. Unang nakaboto ang domestic worker na si Anita Cuaresma, 15 taon na siyang hindi nakakaboto.

“Excited po at kinakabahan. Unang pagboto ko po sa Dubai,” sabi ni Cuaresma.
“Naging maayos naman ang pagbubukas dito at inaasahan naming maraming tao ang pumupunta sa consulate, maganda nakita natin yung interest talaga,” sabi ni Consul General Renato Duenas Jr.

Ang Dubai ang may pinakamaraming registered voters sa Gitnang Silangan na nasa 191,799.

Sa Abu Dhabi, marami ring botante ang dumating sa embahada para bumoto.

Nag-ikot si Ambassador Hjayceelyn Quintana sa buong embahada. Dumating din ang Filipino overseas voters mula Al Ain at Ruwais na may 224 kilometro ang layo sa Philippine Embassy.

LEBANON
Sa Beirut, Lebanon, naging maayos ang pagsisimula ng overseas voting. Habang naghihintay sa pagsisimula ng botohan, tahimik na nakinig sa turo tungkol sa tamang paraan ng pagboto.

Si Janet Barreto ang isa sa dalawa sa naunang bumoto.
Si Janet Barreto ang isa sa dalawa sa naunang bumoto.
ADVERTISEMENT
Pangunahing isyu para sa kanya ang drugs. “Taga-Makati ako. Marami pong drugs talaga do'n sa amin. Ngayon no'ng last three years na umuwi ako, safe na po lahat. Ituloy-tuloy, kasi 'yon ang talagang sa kabataan talagang grabe,” sabi ni Janet Barreto, OFW sa Lebanon.

“Kung ano bang nasimulan ng dati nating presidente, 'yon din ang gagawin n'ya,” sabi ni Reslie River, OFW sa Lebanon.

Pangkabuhayan naman ang mahalaga para kay Betty Equipado.

"May maibigay s'yang pangkabuhayan sa mga OFW, kasi dito sa abroad, mahirap-mahirap 'yung walang stable na trabaho, tapos pagdating mo sa Pilipinas, wala na. Sana pagdating sa Pilipinas, may maibigay silang magandang kinabukasan din sa amin kasi tumutulong din naman tayo sa ating bansa," sabi ni Equipado.

Bukas ang Philippine Embassy sa Beirut para sa mga nais bumoto mula April 10 hanggang May 9.
Bukas ang Philippine Embassy sa Beirut para sa mga nais bumoto mula April 10 hanggang May 9.
ADVERTISEMENT
Hinikayat ni Ambassador Raymond Balatbat na huwag nang ipagpaliban ang pagboto hanggang sa huling araw ng overseas voting.

"Meron po tayong one month, isang buwan po, para bumoto, so sana po bumoto po tayo para po magampanan natin ang ating duty bilang mga Pilipino dito sa Lebanon," sabi ni Balatbat.

PANOORIN | Unang araw ng overseas voting sa Lebanon
ITALY
Sa Milan, dalawang araw bago magsimula ang overseas voting, naglabas ng advisory ang Philippine Consulate General na hindi pa dumarating ang shipment ng mga balota dahil sa hindi inaasahang operational at logistical issues.

Ayon kay Consul General Bernadette Fernandez ng Philippine Consulate General sa Milan, inaasahan nila na darating ang mga balota ngayong linggo.

“Hopefully this week there's been a considerable delay not of our liking, not of the liking of the shippers but we’re hoping it arrived last week but it was held somewhere in Europe but it's coming over,” sabi ni Fernandez.

Dagdag ni Fernandez, hindi naman makakaapekto ang delay sa schedule ng overseas voting sa Milan, “It will not affect the schedule of the overseas voting from now until May 9, we still have 30 days and that gives the public enough time to secure their ballots when we already have it and send it to us as soon as we have it,” paliwanag ni Fernandez.

Ang first time voter sana na si Lucille Junio, maagang pumunta sa konsulado para bumoto pero hindi niya inaasahan na wala pa pala ang mga balota.

“Madami na raw pumunta rito, umalis na yung iba, talagang dismayado pero meron pa namang araw, meron pa namang time para makaboto,” sabi ni Junio.

Ang ibang mga kababayan dismayado dahil hindi sila nakaboto sa unang araw ng overseas voting.

“Labis na disappointed kami lalo na yung mga uuwi na mga kababayan natin na naka-email na para boboto ngayong araw na ito,” sabi ni Jessie Games, OFW sa Milan.

“Maraming nagpunta at nagsiuwi po, bigo pong makaboto sila sana naman dumating na 'tong mga balota,” sabi ni Edward Reyes, OFW sa Milan.

“They should have taken action ahead of time especially during the pandemic kung saan yung pagpapadala ng mga materials abroad overseas mas mahaba yung proseso, kaya I hope kung made-delay man yung pagdating ng mga balota dito sa Italy, sana just for a very few days lang,” sabi ni Jay Retuta, OFW sa Milan.

SPAIN
Sa Barcelona, maagang nagpuntahan ang mga botante, may mga naghintay bago pa man magbukas ang Philipine Consulate General sa Barcelona.

Binantayan naman ng poll watchers ng apat na partido ang pag-install ng VCM. Ipinakita ni Vice Consul Regata Escutin, SBEI Chair, ang lahat ng proseso ng pagbubukas ng poll precinct.

May 238 botante ang nakaboto sa unang araw ng overseas voting sa Barcelona.
May 238 botante ang nakaboto sa unang araw ng overseas voting sa Barcelona.
ADVERTISEMENT
Bagamat maayos ang pagsisimula, hindi naman naiwasan ang ilang aberya tulad ng maling spelling ng pangalan ng botante at may botante naman na imbes na i-shade ang balota, tsinekan ang bilog sa ballot paper.

May nagprotesta rin sa election receipt, ngunit naresolba naman ang mga ito bago matapos ang unang araw ng botohan. Nasa 7,772 ang bilang ng registered voters na nasasakupan ng PCG Barcelona; 7753 ang landbased, may 19 seafarers, at 162 naman sa Principality ng Andorra.

Dalawa ang paraan ng botohan sa Barcelona; in-person, na pupunta mismo sa konsulado para ihulog ang balota at may tinataya namang isanlibo ang gagamit ng postal voting.

(Kasama ang ulat nina Rachel Salinel at Randy Lamsen sa Dubai UAE; Vivien Napenas at Victoria Alexei Mari Lopez sa Abu Dhabi, UAE ; Lyndon Aballe sa Riyadh, Saudi Arabia; Charles Tabbu at Sherwin Zuniga sa Jeddah, Saudi Arabia; Leslie Garduque sa Bahrain; Rowen Soldevilla sa Oman; Mye Mulingtapang sa Milan; at Sandra Sotelo Aboy sa Barcelona)
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa nagaganap na oveseas voting sa Gitnang Silangan at Europa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT