Lasing na natutulog sa kalsada, ninakawan sa Davao City
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lasing na natutulog sa kalsada, ninakawan sa Davao City
Chrislen Bulosan,
ABS-CBN News
Published Apr 15, 2018 06:08 PM PHT
|
Updated Apr 15, 2018 06:12 PM PHT

DAVAO CITY -- Hinuli ng mga residente ang isang menor de edad na nahuling pinagnanakawan ang isang lasing na lalaking natutulog sa gilid ng kalsada sa Magallanes Street, Davao City Sabado ng gabi.

Ayon sa mga nakahuli, pinaghinalaan na nila ang 13-anyos na lalaki nang makita nila itong minamanmanan ang lasing na lalaking nasa kalsada.

Itinanggi naman ng suspek ang bintang sa kanya.

Samantala, hindi naman namalayan ng biktima na ID na lamang ang naiwan sa kanyang suot na bag.
Samantala, hindi naman namalayan ng biktima na ID na lamang ang naiwan sa kanyang suot na bag.
ADVERTISEMENT
Inalis rin ng mga rumesponde ang walang malay na lalaki sa kalsada.

Dinala sa police station ang nahuling binatilyo.