TUKLASIN: Patunggong Island sa Palawan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TUKLASIN: Patunggong Island sa Palawan
Rex Ruta,
ABS-CBN News
Published Apr 19, 2017 08:29 PM PHT

BALABAC, Palawan - Hindi lang Honda Bay sa Puerto Princesa, Coron at El Nido ang dapat masubukan ngayong panahon ng tag-init sa Palawan.

May kakaibang summer experience rin ang masusubukan sa Balabac, Palawan. Limang oras ang biyahe sakay ng bus o inarkilang van mula Puerto Princesa papuntang pantalan ng Sitio Marabahay sa Bataraza.

Mula roon, dalawang oras ulit ang gugugulin sa bangka para marating ang Barangay Bancalaan sa Balabac.

Sa linis at linaw ng dagat doon, gugustuhin mo na agad na lumangoy. Pero konting-tiis pa dahil 15 minuto na lang at masisilayan na ang isang isla na hitik rin sa yamang gubat.

Malayo pa lang ay tanaw na ang puting buhangin at mala-swimming pool na kulay ng dagat.

Malapit lang din sa isla ang snorkeling site kung saan nakaabang ang mga isdang tila naglalaro sa makukulay na korales.

Mag-ienjoy ka sa panibagong karanasan na masusubukan sa isla Patunggong. Kaya naman ilang travel bloggers ang napamangha sa ganda ng isla.

Hindi rin suliranin ang budget dahil wala pa itong entrance fee.

Maglalaro naman sa P700 hanggang P800 ang magagastos sa pamasahe mula sa Puerto Princesa.

Susubukan umano ng Municipal Tourism Office ng Balabac na maglagay ng mga cottage at masiguro ang kalinisan ng isla.