2 magkasunod na sunog sumiklab sa Quezon City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 magkasunod na sunog sumiklab sa Quezon City

ABS-CBN News
Published Apr 23, 2023 12:25 PM PHT
|
Updated Apr 23, 2023 02:18 PM PHT

(UPDATE) Dalawang magkasunod na sunog ang sumiklab sa Quezon City nitong umaga ng Linggo.

Pasado alas-11 ng umaga nang sumiklab ang sunog at mabilis kumalat sa ilang bahay sa Scout Bayoran, Barangay South Triangle.

Idineklara pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang unang alarma sa naturang sunog.

Bagaman mabilis na nakaresponde ang mga bombero, nahirapan sila na apulahin ang apoy dahil madaling masunog ang materyales ng karamihan sa mga bahay ng residential compound at makitid na daanan papunta sa loob.

LOOK: A fire broke out at Sct. Bayoran, Brgy. South Triangle which was raised to 1st alarm by the fire bureau.
The residents of the residential compound have taken some of their belongings out on the street. | via @nicobagsic pic.twitter.com/dqPsnq0Ri4
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) April 23, 2023

Tinatayang nasa 35 hanggang 40 bahay ang natupok, ayon sa kagawad na si Tomas Paguirigan, na kasama rin sa mga nasunugan.

Naapula ang apoy pasado alas-12:30 ng tanghali.

Sa barangay hall muna mananatili ang mga nasunugan.

Kasabay nito, sumiklab din ang sunog sa may Cambridge Street sa Cubao area.

Isang 5 palapag na gusali ang nasunog pero naapula rin bandang alas-12:30 ng tanghali.

Wala namang naiulat na nasawi sa magkahiwalay na insidente, na parehong iniimbestigahan ng BFP para matukoy ang sanhi.

— Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT