'Floating community pantry' inilunsad sa gitna ng dagat sa CamSur | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Floating community pantry' inilunsad sa gitna ng dagat sa CamSur

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 26, 2021 09:44 PM PHT

Clipboard

Nagbigay ng pagkain ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa mga mangingisda sa Camarines Sur. Retrato mula sa PCG

Higit 75 mangingisda ang nabigyan ng ayuda sa gitna ng dagat sa Balatan, Camarines Sur sa inilunsad na "floating community pantry" ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lalawigan.

Ayon kay Lt. Ailene Abanilla, commander ng PCG sa Camarines Sur, naisipan nilang hatiran ng pagkain ang mga mangingisda dahil ilang araw natigil ang mga ito sa pangingisda dahil sa Bagyong Bising.

Apektado rin umano ng pandemya ang kabuhayan ng mga mangingisda.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kabilang sa mga ipinamahagi sa mga mangingisda ang bigas, itlog, gulay, canned goods at noodles.

ADVERTISEMENT

Mismong ang mga miyembro ng Coast Guard ang nag-ambagan para sa ayuda. May natanggap din umano silang donasyon mula sa mga pribadong indibiduwal at grupo.

Ayon kay Abanilla, magbibigay din sila ng ayuda sa iba pang mga mangingisda sa probinsiya sa mga susunod na araw.

Ang inisyatiba ng Coast Guard ay hango sa community pantry movement, kung saan nagbibigay ang mga Pinoy ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin para libreng kuhanin ng mga nangangailangang kababayan.

Nag-umpisa ito sa Maginhawa Street sa Quezon City hanggang sa daan-daang pantry na ang sumulpot sa ibang bahagi ng bansa.

— Ulat ni Karren Canon

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.