Sunog sumiklab sa residential area sa Cavite City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sunog sumiklab sa residential area sa Cavite City
Jose Carretero,
ABS-CBN News
Published Apr 26, 2023 04:07 PM PHT
|
Updated Apr 26, 2023 09:51 PM PHT

(UPDATED) Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay 22-A sa Cavite City ngayong Miyerkoles ng hapon, sabi ng lokal na pamahalaan.

Wala pang naiulat na nasaktan sa sunog na umabot ng ikatlong alarma, ayon kay Cavite City Mayor Denver Chua. Pero umabot umano sa higit 100 bahay ang natupok.

Malakas ang hangin kaya nahirapan ang mga bombero na makontrol ang apoy, sabi ng alkalde.

Gawa rin sa umano light materials at dikit-dikit ang mga bahay kaya mabilis na kumalat ang sunog.
Gawa rin sa umano light materials at dikit-dikit ang mga bahay kaya mabilis na kumalat ang sunog.
ADVERTISEMENT
"Dumating ang helicopter ng Air Force para tulungan tayo na buhusan ang mga nasusunog na bahay," sabi ni Chua sa isang post sa Facebook.

Dagdag ng alkalde, nagkagulo ang mga residente na apektado ng sunog.

"Medyo chaotic ang ating sitwasyon dito, as of the moment 'yung fire naman is nakokontrol na," ani Chua.

Helibucket operations para makatulong sa pagkontrol ng sunog sa Cavite City. Jose Carretero, ABS-CBN News
Idineklarang under control ang sunog bandang alas-5 ng hapon.

Ayon kay Fire Chief Inspector Aymar Baybay, ang City Fire Marshal ng Cavite, hindi pa nila matukoy kung saan bahay at kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Ayon kay Chua, bandang alas-5 ng hapon ay nasa 600 bahay na ang naitala nilang nasunog. Nasa 1,000 pamilya naman ang nawalan ng tirahan.

“Still counting pa po ito dahil on-going pa yung pagre-record natin ng dumarating ditong evacuees," ani Chua.

Nasa tatlong evacuation centers na ang mga nasunugan. Kabilang sa ginawang evacuation center ang Ladislao Diwa Elementary School, Saint Peregrine Parish at Ovidio Dela Rosa Elementary.

Wala munang pasok sa Ladislao Diwa Elementary School habang ginagamit pa itong evacuation center.

May inisyal ng tulong na ibinigay ang lokal na pamahalaan ng Cavite sa mga nasunugan gaya ng pagkain at ilang pangagailangan.

Isusunod naman ang pinansyal na ayuda.
Isusunod naman ang pinansyal na ayuda.
“Ang DSWD ay nakausap na po natin para po magbigay ng pinansyal na assistance dito sa affected na families, so inaasahan natin sa lalong madaling panahon sa mga susunod na araw ay makapagbigay na po tayo ng mga tulong pinansyal sa kanila nang saganon makabalik na po sila sa kanilang mga usual na ginagawa sa pangaraw-araw," ani Mayor Chua.

Ayon kay Chua, hindi ia-abandona ang lugar na nasunog.

Aayusin na lamang ito para duon ulit patirahin ang mga apektadong pamilya.

“Siguro i-zoning lang ng maayos para sa ganon pagduon sila bumalik ay maging maayos na ang kanilang kabahayan,” dagdag pa ni Chua.