EO kontra 'endo', nilagdaan; labor groups, di kuntento
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
EO kontra 'endo', nilagdaan; labor groups, di kuntento
ABS-CBN News
Published May 01, 2018 01:27 PM PHT
|
Updated May 01, 2018 09:22 PM PHT

Nilagdaan nitong Martes ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order (EO) na naglalayong wakasan ang ilegal na kontraktuwalisasyon na laganap sa bansa.

Pinirmahan ang EO sa gitna ng talumpati ng Pangulo habang pinangungunahan ang paggunita ng Araw ng Paggawa sa isang job fair sa Cebu City.

Pero aminado si Duterte na sa ngayon ay ang EO lang ang legal na hakbang na maaari niyang magawa laban sa kontraktuwalisasyon kaya inirekomenda niya sa Kongreso ang pagsusog sa labor code.

"I believe that in order to implement an effective and lasting solution to the problems brought about by contractualization, Congress needs to enact a law amending the labor code," ani Duterte.

Kasabay ng pagpirma, inutusan ni Duterte ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpasa ng listahan ng mga kompanyang nagpapatupad ng ilegal na kontraktuwalisasyon.

"To all non-compliant and abusive employers who are engaged in labor contracting, your days are numbered," sabi ni Duterte bilang babala sa mga naturang establisimyento.

Binasa ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang ilang bahagi ng EO bago ipakilala ang Pangulo habang hindi pa inilalabas ang opisyal na kopya ng kautusan.

Sa ilalim ng Section 2 ng napirmahang EO, mahigpit na ipinagbabawal ang contracting o subcontracting kapag tinatapakan nito ang karapatan ng manggagawa sa "security of tenure, self-organization, and collective bargaining and peaceful concerted activities pursuant to the 1987 Philippine Constitution."

Ang security of tenure, ayon sa binasa ni Bello, ay tumutukoy sa karapatan ng manggagawa na hindi masibak sa trabaho nang walang "just o authorized cause" at hindi dumadaan sa tamang proseso.

Ang subcontracting naman ay tumutukoy sa proseso ng pagkuha ng isang employer ng kaniyang mga tauhan sa pamamagitan ng "middleman" gaya ng mga manpower agency.

Sa isinumiteng draft EO ng mga labor group, binigyang diin nila ang kahalagahan ng "direct hiring" o iyong direktang pagkuha ng mga employer ng empleyado sa halip na idinadaan sa mga manpower agency.

Subalit hindi nabanggit sa EO na binasa ni Bello nitong Martes ang bahaging nagtutulak sa "direct hiring" bilang pamantayan sa pagkuha ng mga empleyado kaya iginigiit nila na nanaig ang EO na isinumte ng mga employer at ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon pa kay Bello, may mga uri ng trabahong legal ang kontraktuwalisasyon.

"'Yong puwede i-outsource kagaya halimbawa 'yong seasonal, project-based, 'yong security guards, puwede mo i-outsource 'yan," sabi ni Bello.

HINDI KUNTENTO
Hindi naman nakuntento ang mga labor group sa pinirmahang EO ng Pangulo.

Ayon kay Alan Tanjusay, spokesperson of the Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), nabigo ang EO ng Pangulo na alisin ang mga manpower agency at bigyang kahulugan ang employee-employer relationship na maituturing bilang "direct hiring."

"Ang implication nito, direct hiring 'yung mga manggagawa sa manpower service providers. Walang relationship ang manggagawa sa may-ari ng negosyo," sabi ni Tanjusay sa DZMM.

"At the end of the day, version pa rin pala ng mga negosyante ang in-adopt ng Pangulo. We are frustrated. We are dismayed," aniya.

Para naman kina Kilusang Mayo Uno (KMU) Chairperson Elmer Labog at Renato Magtubo ng Nagkaisa, pumapabor ang EO sa mga employer.

Hindi rin umano pumayag si Duterte sa kanilang pakiusap na gawing pamantayan sa EO ang regularisasyon sa mga manggagawa.

"Malinaw sa in-intrega naming EO ay nagtatakda na ang main mode of employment ay regularization at exception na lamang ang kontraktuwalisasyon, pero naging main mode ang contractualization at exception ang regular employment," ani Labog.

"Humingi ng EO at sa dulo, tinalikuran pa. Kaya insulto ito sa hanay ng manggagawa," sabi naman ni Magtubo.

Ayon naman kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) Chairman Donald Dee, susunduin muna nila ang mga utos na nakapaloob sa EO.

"We will live with it, we will not put up any barriers anymore kasi if we start cherry picking, walang mangyayari sa atin. Tuloy ang gulo," ani Dee.

-- May ulat nina Dharel Placido, Joworski Alipon, Adrian Ayalin, at Jacque Manabat, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
labor
manggagawa
endo
end of contract
kontraktuwalisasyon
Labor Day
Araw ng mga Manggagawa
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT