Isa pang sasakyan naiahon sa ilog na binagsakan ng lumang tulay sa Bohol | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Isa pang sasakyan naiahon sa ilog na binagsakan ng lumang tulay sa Bohol
Jacque Manabat,
ABS-CBN News
Published May 01, 2022 02:30 PM PHT
|
Updated May 01, 2022 03:49 PM PHT

LOOK: A vehicle is pulled out of Loboc river. LGU said all passengers of this vehicle survived.
Out of 15 submerged, four vehicles are now recovered. pic.twitter.com/hLO1dmGSAI
— Jacque Manabat (@jacquemanabat) May 1, 2022

(UPDATE) Isa pang sasakyan ang naiahon mula sa bahagi ng Loboc River sa Loay, Bohol ngayong Linggo, o apat na araw matapos gumuho ang lumang tulay doon na ikinasawi ng 4 tao.

Ang naturang kotse ang ika-4 sa 16 sasakyang lumubog sa ilog dahil sa gumuhong Clarin Bridge, kaya 12 sasakyan pa ang kailangang iahon.

Nasa 15 sasakyan ang inisyal na bilang ng mga awtoridad na nahulog sa ilog. Pero ngayong Linggo ay nagulat sila nang mahanap ang isa pang behikulong wala sa listahan.

Ayon sa provincial disaster office, base sa ilang beses nilang pagsuyod, wala nang tao sa ilog.
Ayon sa provincial disaster office, base sa ilang beses nilang pagsuyod, wala nang tao sa ilog.
ADVERTISEMENT
Pero tinitingnan umano ngayon ng tanggapan ang isang cargo vehicle na nakapaibabaw sa isang dump truck dahil walang nagke-claim nito.

Inuuna muna ng mga awtoridad ang mga sasakyang inanod na papunta sa dagat, na malayo-layo na sa bumigay na tulay.

Kakailanganin din umano ng technical divers mula sa Cebu para sa pag-ahon ng mga sasakyan.

Delikado itong misyon, ayon sa provincial disaster office, dahil mabilis ang underwater current, maputik ang ilog na may lalim na hanggang 5 metro, at may mga bakal pa mula sa gumuhong tulay.

Sa katunayan, may mga nasugatan na umanong diver noong unang mga araw ng paghahanap ng mga survivor sa ilog.
Sa katunayan, may mga nasugatan na umanong diver noong unang mga araw ng paghahanap ng mga survivor sa ilog.
ADVERTISEMENT
Ayon sa paunang imbestigasyon, bumagsak ang tulay nang mag-counterflow ang isang dump truck na may dalang graba at bato na para sana sa ginagawang bagong tulay.

Ipinaliwanag ng local district engineering office na mabagal ang daloy ng trapiko sa tulay noong Miyerkoles, at hindi kinaya ang bigat nang mag-counterflow ang dump truck na may bigat na hanggang 3 tonelada.

Kabilang sa mga nasawi ang tourist driver na si Arniel Cilos. Naulila niya ang kaniyang buntis na misis at 1 taong gulang na anak na lalaki.

“Papa, papa.”
One year old son of tourist driver Arniel Cilos unaware of his passing. Arniel is one of the four who died when Clarin bridge collapsed. His passengers were newlyweds from Austria. The pregnant wife survived, the husband didn’t. pic.twitter.com/c9hqko5hWB
— Jacque Manabat (@jacquemanabat) May 1, 2022
“Papa, papa.”
— Jacque Manabat (@jacquemanabat) May 1, 2022
One year old son of tourist driver Arniel Cilos unaware of his passing. Arniel is one of the four who died when Clarin bridge collapsed. His passengers were newlyweds from Austria. The pregnant wife survived, the husband didn’t. pic.twitter.com/c9hqko5hWB
Isa ang misis ni Cilos sa 31 taong nakaligtas sa gumuhong tulay.

RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT