Comelec ipinahinto ang paghahanda sa Cabadbaran recall election

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Comelec ipinahinto ang paghahanda sa Cabadbaran recall election

Rodge Cultura,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 03, 2018 09:16 PM PHT

Clipboard

Nangampanya sina Mayor Katrina Mortola (kaliwa), Judy Amante (kanan) hanggang sa naglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema laban sa recall election sa Cabadbaran City, Agusan del Norte. File

Ipinahinto ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahanda para sa recall election sa mayor ng Cabadbaran City, Agusan del Norte na nakatakda sana sa Sabado.

Ito'y matapos maglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) laban sa recall election.

Sa resolusyon noong Abril 24, pinaboran ng Korte Suprema ang hiling ng kampo ni Cabadbaran City Mayor Katrina Mortola na ihinto ang recall election na nakatakda sa Sabado, Mayo 5.

Binigyan ng limang araw para makapagkomento ang kampo ng Comelec at ang petitioner ng recall election na si Judy Amante, ang natalong kandidato noong nakaraang eleksyon, at mga taga-suporta nito.

ADVERTISEMENT

Ayon sa mga petitioner, nawalan umano sila ng kumpiyansa sa pamumuno ni Mortola.

Alinsunod sa TRO, huminto muna ang Comelec sa paghahanda para sa recall election at maghihintay kung may iba pang utos ang Korte Suprema. Natanggap nila ang kopya ng TRO noong Abril 25.

"Hindi pa dumating ang official ballots pati ibang supplies kasi 'yun nga sa TRO, pero nakahanda na sana 'yung shipment. Pero dahil sa TRO, nahinto lahat. Ang forms at ang supplies andoon sa central office," ani Mark Sorilla, election officer sa lungsod.

Nakatakda na sana ang briefing ng mga magsisilbing miyembro ng Board of Election Inspectors noong Abril 30 pero ipinatigil muna ito dahil sa TRO, aniya.

Sa resolusyon ng Comelec noong Marso 20, inatasan nito si Sorilla na tiyaking sapat ang bilang ng mga botante na pumirma sa recall petition.

ADVERTISEMENT

Hati ang reaksyon ng ilang mga taga-Cabadbaran sa sitwasyon.

"Dahil iyan ang pinagkaguluhan, kung matutuloy o hindi ok lang," ani alyas Romeo, hindi niya tunay na pangalan.

"Sa tingin ko kung mag-recall malaki na ang ginastos ng city," ani alyas Jose, na tumanggi ring ibigay ang tunay na pangalan.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, maaaring magsagawa ng recall election isang taon bago ang susunod na regular na local election.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.