Upos ng sigarilyo, nagdulot ng sunog sa Daruanak Island
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Upos ng sigarilyo, nagdulot ng sunog sa Daruanak Island
Rona Jane Nuñez,
ABS-CBN News
Published May 03, 2018 12:48 AM PHT

PASACAO, Camarines Sur - Nasunog ang isang bahagi ng Daruanak Island sa Camarines Sur dahil umano sa upos ng sigarilyong itinapon.

Naging kulay itim ang tuktok ng isla matapos magkaroon ng grass fire Martes ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, halos 500 square meters na bahagi ng isla ang naapektuhan ng sunog.

Itinuturong sanhi ng insidente ang upos ng sigarilyo na itinapon sa Daruanak.
Itinuturong sanhi ng insidente ang upos ng sigarilyo na itinapon sa Daruanak.
ADVERTISEMENT
Inabot ng mahigit isang oras bago nagdeklara ng fire out ang BFP.

Ayon pa sa kanila, mabilis kumalat ang apoy dahil sa mga tuyong damo. Tumigil lamang ang sunog nang biglang umulan.

Ikinadismaya ng mga bumibisita sa lugar ang nangyari, habang ikinabahala naman ng lokal na pamahalaan ng Pasacao ang isidente.

Bunga umano ito ng kapabayaan at pagiging iresponsable ng ibang turista.

Balak ngayon ng lokal na pamahalaan na ipagbawal na ang pagdadala ng alak, pagkain, at sigarilyo sa isla. Magtatalaga na rin ng magbabantay rito.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa pangyayari.

Atraksiyon sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur na itinuturing na summer capital ng lalawigan ang Daruanak Island.