Tumatakbong kapitan sa Ilocos Norte arestado sa unang araw ng kampanya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tumatakbong kapitan sa Ilocos Norte arestado sa unang araw ng kampanya
Kim Lorenzo,
ABS-CBN News
Published May 04, 2018 06:25 PM PHT

PASUQUIN, Ilocos Norte - Sa halip na makipagkamay at mangampanya sa kaniyang mga ka-barangay, pulis ang nakapaligid kay Renato Aguba, isang kagawad na tumatakbong kapitan sa Barangay Cabaruan dito sa bayan.

Sa bisa ng warrant of arrest, hinalughog ng pulisya ang tirahan ni Aguba nitong Biyernes ng umaga, at nakuha ang isang kalibre .45 na baril, mga bala nito, bala ng isang M16, granada, at apat na pakete ng hinihinalang shabu.

Ayon sa pulisya, kasali si Aguba sa drugs watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency, ngunit hindi ito sumuko sa Oplan Tokhang. Madalas din umano itong nagpapaputok ng baril.

Mariin naman itong itinanggi ng opisyal at iginiit na planted lamang ang mga ebidensiya laban sa kaniya.
Mariin naman itong itinanggi ng opisyal at iginiit na planted lamang ang mga ebidensiya laban sa kaniya.
ADVERTISEMENT
"Ammok met dagita a banbanag ta nu adda ing-ingitam ammok nga ikkanda ka ti search warrant isu nga awan ammok kadagita nakita itay bigat...Planted," aniya.

(Alam ko naman 'yan, kung mayroon kang itinatago, bibigyan ka ng search warrant kaya wala akong alam sa mga nakuha kaninang umaga. Planted.)

Malaki rin daw ang magiging epekto nito sa kaniyang kandidatura.

“Dakkel ti epektona daytoy apo ata awanak a makitada ken awanak a makasarsarita kadagijay tao. Masdaawannak ata immay dak met tiniliwen. Awan met ammok a basol ko sir,” aniya.

(Malaki ang epekto dahil wala ako na nakikita at makakausap ng mga tao. Nagtataka ako dahil hinuli ako, wala naman akong alam na kasalanan.)

Ayon pa sa pulisya, nakuhanan na ng eksplosibo si Aguba sa isang operasyon noong 2016 pero na-dismiss ang kaso.

Nahaharap ito sa patong-patong na reklamo na pag-iingat ng baril at bala, eksplosibo at ilegal na droga.

Ito ang huling termino bilang kagawad ni Aguba na dati na ring nagsilbi bilang kapitan ng kanilang barangay.