Nagyoyosing edad 13-15, dumarami | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nagyoyosing edad 13-15, dumarami

Nagyoyosing edad 13-15, dumarami

ABS-CBN News

Clipboard

Dumarami ang kabataang edad 13-15 na nagyoyosi, base sa datos ng 2015 Global Youth Tobacco Survey.

Ayon sa survey, 16% ng respondents na 13-15 anyos ang gumagamit ng tobacco products, mataas sa 13.7% na naitala noong 2011. Karamihan din sa mga umaming naninigarilyo ay mga batang lalaki.

Bahagya namang bumaba ang bilang ng mga 16-anyos pataas na gumagamit ng tobacco products.

Mula 17 milyon noong 2009, naging 15.9 milyon na lang nitong 2015 ang mga edad 16 pataas na nagyoyosi.

ADVERTISEMENT

Madalas na bumibili ng yosi sa tindahan ang lampas sa kalahati ng mga kabataang naninigarilyo, ayon sa survey.

Kaya naman isinusulong ng World Health Organization na pirmahan na ni Presidente Rodrigo Duterte ang Executive Order on Nationwide Public Smoking Ban. Madalas daw kasing namumulat ang kabataan sa pagyoyosi dahil sa mga nakikitang naninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Sabi ni Department of Health Undersecretary Herminigildo Valle, isang bilyon ang inaasahang mamamatay sa sakit dulot ng paninigarilyo kung hindi ito matutuganan ngayon pa lang.

Pinaghahandaan na ng DOH at iba pang partners ang pagkakaroon ng programang tututok sa pagtulong sa mga titigil sa paninigarilyo para hindi na sila muling bumalik sa kanilang bisyo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.