Kustodiya ng bata kapag naghiwalay ang mga magulang, kanino mapupunta?
ADVERTISEMENT
Kustodiya ng bata kapag naghiwalay ang mga magulang, kanino mapupunta?
ABS-CBN News
Published May 08, 2018 06:24 PM PHT
|
Updated May 08, 2018 08:52 PM PHT
Isa sa mga isyung kailangang plantsahin sa pagitan ng mag-asawang naghiwalay ay ang kustodiya sa kanilang anak.
Karaniwang korte ang magdedesisyon kung sino'ng magulang ang magkakaroon ng kustodiya sa bata, paliwanag ni Atty. Gemy Festin sa programang "Usapang de Campanilla" sa DZMM.
Kung ang edad naman ng bata ay pitong anyos pababa, awtomatikong mapupunta ang kustodiya sa kaniyang ina.
"Dahil ito po ang sinasabi ng "tender age presumption" (Article 213 ng Family Code), na ang pangunahing pangangailangan ng bata, ang ina lang ang nakapagtutugon," paliwanag ni Festin.
ADVERTISEMENT
Ito ang nakasaad sa ikalawang talata ng Article 213 ng Family Code.
Kung ang edad naman ng bata ay pitong anyos pataas, maaari na siyang magdesisyon kung kanino niya gustong mapunta, kung sa ama o ina, ayon kay Festin.
Pero maaari lang aniyang gamitin ang mga karapatan na ito kung lehitimong mag-asawa o ikinasal ang mga magulang ng bata.
"Kapag ang bata ay illegitimate, ang kustodiya ng bata ay parating sa ina, so hindi na po mag-aapply 'yong the right to choose, applicable lang po 'yon sa legitimate child o 'yong kinasal 'yong kaniyang mga magulang," sabi ni Festin.
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
batas kaalaman
Usapang de Campanilla
child custody
kustodiya
separation
annulment
divorce
Family Code
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT


