Papel lang? Ilang eksperto idiniin ang kahalagahan ng arbitral ruling sa West Philippine Sea
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Papel lang? Ilang eksperto idiniin ang kahalagahan ng arbitral ruling sa West Philippine Sea
ABS-CBN News
Published May 08, 2021 07:29 PM PHT

MAYNILA - Noong Abril 10, 2012 sinubukang arestuhin ng Philippine Navy ang ilang barkong pangisda ng Tsina na naghuhukay ng mga taklobo sa Scarborough Shoal.

Pero hinarangan sila ng mga barko ng pamahalaan ng China. Dito nagsimula ang standoff sa Scarborough Shoal.

RELATED LINKS:
Namagitan ang Amerika at nagkasundo ang Pilipinas at China na sabay na iaatras ang kanilang barko sa paligid ng bahura.

Pero hindi ito sinunod ng China, at kontrolado nito ang Scarborough Shoal hanggang ngayon.
Pero hindi ito sinunod ng China, at kontrolado nito ang Scarborough Shoal hanggang ngayon.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Maritime Law Expert Dr. Jay Batongbacal, ito at iba pang insidente sa West Philippine Sea ang nagtulak sa Pilipinas na magsampa ng kaso laban sa China sa Permanent Court of Arbitration.

"Marami tayong natanong... Pero kumbaga may variation iyan, yung tanong na yun, sino ba ang tama? Sinong may karapatan dito? Meron bang claim talaga ang Tsina?” ani Batongbacal.

Mula taong 2013 hanggang 2016, naglabas ang pamahalaan ng mga ebidensiya ng mga panggigipit ng China sa West Philippine Sea.

Halimbawa rito ang pagtatayo ng mga artipisyal na isla, pagkalakal ng endangered species, pagwasak sa mga bahura, at pagpapaalis sa mga mangingisda at sundalong Pilipino sa mismong exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Tumanggi ang Tsina na lumahok sa pagdinig at sinabing hindi nito kinikilala ang kaso.
Tumanggi ang Tsina na lumahok sa pagdinig at sinabing hindi nito kinikilala ang kaso.
ADVERTISEMENT
RELATED LINK:
Taong 2016, halos isang buwan matapos maluklok sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte, lumabas ang desisyon ng arbitral tribunal kung saan idineklarang walang karapatan ang Tsina na angkinin ang mga likas-yaman sa tinatawag na nine-dash line kung labas ito sa lugar na itinalaga ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ayon sa korte, ang Panganiban Reef o Mischief Reef, Ayungin Shoal, at Reed Bank ay parte ng EEZ ng Pilipinas, kaya ang Pilipinas lang ang may karapatan dito.

Sinabi rin ng tribunal na nilabag ng China ang mga karapatan ng Pilipinas nang magtayo ito ng artificial island sa EEZ nang walang pahintulot, na nakasira sa mga bahura ng lugar.

Labag din anila sa batas nang kinukunsinte ng Tsina ang pangingisda ng mga mangingisda nito sa loob ng EEZ ng Pilipinas, nang pigilan nito ang mga bangka at barkong Pinoy at nang inantala nito ang paghahanap ng Pilipinas ng petrolyo sa Reed Bank.

Pero pag-upo ni Pangulong Rodrigo Duterte, isinantabi muna niya ang pagkapanalong ito kapalit ng pakikipagkaibigan at transaksyon sa Tsina.

Sabi pa niya nitong Miyerkoles. "Actually in --- sa usapang bugoy, sabihin ko sa iyo ibigay mo sa’kin, sabihin ko sa’yo p***** i**, papel lang ‘yan. Itatapon ko ‘yan sa wastebasket."

Kinontra ito ni Batongbacal at hindi rin ito pinalampas ni Retired Supreme Court Justice Antonio Carpio.

"...yung arbitral tribunal, dyan nagsasabi kung tama o mali, yan ang basehan kung bakit natin masasabi na tayo ang may karapatan... Yung Pilipinas mismo ang siyang dapat nag-eenforce ng desisyon in the sense that, yung aksyon niya, yung pakikitungo niya sa China ngayon, ay dapat base rin sa kung anong sinabi nung award, kung anong tama at kung anong mali," ani Batongbacal.

"So the president of the Philippines has adopted the Chinese position. There is a legal consequence to this, it is said, in international law...that the unilateral declaration of a head of state, binds the state because the head of state represents the state. So if Duterte says, that's just a piece of paper I'll throw it to the wastebasket, it kinda says, we accept, we agree, that it's just a piece of paper, that binds the Philippines, and we cannot get out of that,” ani Carpio.

Dumepensa naman ang mga kaalyado ni Duterte na hindi totoong pinabayaan nito ang West Philippine Sea.
Dumepensa naman ang mga kaalyado ni Duterte na hindi totoong pinabayaan nito ang West Philippine Sea.
ADVERTISEMENT
Patunay anila ang pagpapatrolya ng mga barko at eroplano ng militar sa lugar.

Pinaalala rin ni House Speaker Lord Allan Velasco na minsang ipinagtanggol ni DUterte ang arbitral ruling sa UN General Assembly.

— Ulat ni Chiara Zambrano, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
TV Patrol Top
EEZ
West Philippine Sea
Pangulong Rodrigo Duterte
China
Philippines
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT