3 kinasuhan kaugnay sa iregularidad sa distribusyon ng SAP sa Negros Occidental | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 kinasuhan kaugnay sa iregularidad sa distribusyon ng SAP sa Negros Occidental
Martian Muyco,
ABS-CBN News
Published May 09, 2020 09:37 PM PHT

Tatlong katao ang kinasuhan dahil umano sa iregularidad sa distribusyon ng ayuda mula sa social amelioration program ng Department of Social Welfare and Development sa Negros Occidental.

Isang barangay chairman, isang indibiduwal, at isang DSWD officer na nag-release ng cash aid ang sangkot umano sa anomalya.

Kapwa sinampahan ng kasong paglabag sa Revised Penal Code (falsification of documents by a public officer) at Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang barangay chairman at opisyal ng DSWD, habang paglabag sa Revised Penal Code (falsification of public documents) ang isinampa sa pribadong indibiduwal.

Ayon kay Col. Romeo Baleros, director ng Negros Occidental Police Provincial, nakatanggap sila ng reklamo mula sa isang barangay sa bayan ng Isabela kaya't pinaimbestigahan nila ito at nakahanap ng probable cause para sampahan ng kaso ang tatlo.

Nakatanggap umano ng P6,000 ayuda ang chairman, habang may SAP din ang isang indibiduwal kahit pa mula siya sa ibang lungsod.

Sagot ng barangay chairman na wala siyang natanggap na cash grant mula sa DSWD. Hindi umano siya nag-apply dahil isa siyang opisyal ng barangay. Pero kaniyang isinauli ang nakuhang cash assistance ng 13-anyos niyang apo.

Sabi niya, kaniyang ikinonsulta sa bayan ang pagtanggap ng cash grant ng kaniyang apo dahil sa nasa listahan ng DSWD ang pangalan ng namayapang ina nito na maaaring makakuha ng ayuda sa pamamaraan ng unconditional cash transfer.

Hiwalay na rin umano ang ina nito sa asawa kaya sa kaniyang apo na ibinigay ang P6,000 ayuda mula sa DSWD. Pero ibinalik na lang ito ng barangay chairman para umano wala nang gulo.