Halos 2,000 pamilya 'di pa rin umuuwi kasunod ng bakbakan sa Datu Paglas
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Halos 2,000 pamilya 'di pa rin umuuwi kasunod ng bakbakan sa Datu Paglas
ABS-CBN News
Published May 10, 2021 03:02 PM PHT

Aabot sa halos 2,000 pamilya sa Datu Paglas, Maguindanao ang nasa evacuation center pa rin hanggang ngayon matapos makaengkuwentro ng militar ang ilang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters nitong weekend.

Sa datos ng Bangsamoro Ministry of Social Services and Development, 1,934 pamilya ang nasa mga evacuation center sa mga bayan ng Buluan, Datu Paglas, General Salipada K. Pendatun at Paglat sa Maguindanao.

Hindi umano muna umuwi ang mga residente sa takot na madamay sa patuloy na bakbakan ng tropa ng pamahalaan at BIFF sa probinsiya.

Tinatayang nasa 10 bahay ang nasira matapos tamaan ng mga bomba at bala sa gitna ng engkuwentro nitong Sabado.
Tinatayang nasa 10 bahay ang nasira matapos tamaan ng mga bomba at bala sa gitna ng engkuwentro nitong Sabado.
ADVERTISEMENT
Tiniyak naman ng Ministry of Social Services and Development na bibigyan ng ayuda ang mga apektadong residente, tulad ng pagkain at psychosocial support.

Bibigyan naman ng pinansiyal na ayuda ang mga pamilyang nasiraan ng bahay para mapayaos ang kanilang tahanan.

-- Ulat ni Chrislen Bulosan
RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Datu Paglas
Maguindanao
Bangsamoro
BIFF
conflict
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT