Ramil Hernandez, Jonvic Remulla nangunguna sa bilangan sa Laguna, Cavite
ADVERTISEMENT
Ramil Hernandez, Jonvic Remulla nangunguna sa bilangan sa Laguna, Cavite
ABS-CBN News
Published May 10, 2022 06:02 PM PHT

MANILA — Nakatakdang mahalal ulit si incumbent Laguna Gov. Ramil Hernandez matapos magkaroon ng malaking lamang sa kalaban niyang si Rep. Sol Aragones.
Base sa latest partial, unofficial count ng Comelec Transparency Server, nakakuha si Hernandez ng 871,977 boto, habang 629,684 naman ang nakuhang boto ni Aragones.
Mahahalal ulit sa kanyang puwesto si Vice Gov. Karen Agapay matapos makakuha ng 843,787 boto.
Mas malaki ito kung ikukumpara sa boto ng kalaban niyang si Jorge Jerico Ejercito na may 527,741 boto.
ADVERTISEMENT
Nagpahayag ng pasasalamat si Aragones sa mga kumapit sa kanyang laban.
“Sa ano mang laban, may panalo, may mahalaga ay ibinigay natin ‘yung puso natin sa laban na ito at nagpapasalamat tayo sa lahat ng taong sumama sa akin sa paglalakbay sa laban na ito. Maraming salamat," sabi ni Aragones na naging reporter sa ABS-CBN bago pumasok ng pulitika.
Sa Cavite, may 1,367,797 botong nakuha si incumbent Governor Jonvic Remulla sa 100% partial, unofficial result.
Malayo ito sa ikalawang pwesto na si Weng Aguinaldo na may 122 569, at Augusto Pera Jr. sa ikatlo na may 98,829.
Sa pagka-bise gobernador, malaki din ang lamang ni Athena Tolentino na may 1,195,863 boto kay Joseph Jamboy na may 205,004 boto.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT