4 tiklo sa paglabag sa curfew sa Baguio; 1 nahulihan ng droga, baril

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

4 tiklo sa paglabag sa curfew sa Baguio; 1 nahulihan ng droga, baril

Maira Geneva Wallis Nuarin,

ABS-CBN News

Clipboard

Arestado ang apat na lalaki sa Pacdal, Baguio matapos sitahin sa paglabag sa curfew sa Baguio nitong Lunes.

Nasa ilalim pa rin kasi ng enhanced community quarantine ang lungsod sa panahong nahuli ang mga suspek, ayon kay Police Col. Allen Rae Co, hepe ng Baguio City Police Office.

Nang dalhin sa tanggapan ng mga pulis at siyasatin ang mga gamit ng mga suspek, nakumpiska sa isa sa kanila ang 9 na sachet ng hinihinalang shabu, isang weighing scale, isang cal .22 revolver at 29 na bala ng iba’t ibang klase ng baril.

“We assume na baka nagbebenta yung nahulihan ng drugs and baril with so many sachets unless pangsariling gamit nila but again 'di nga natin nahuli in the act of selling and dito sa atin wala siyang records pero I was told na he was arrested sometime 2007 raw yata somewhere in either Pampanga or Bulacan but we must check first,” paliwanag ni Co.

ADVERTISEMENT

"We would like to remind those would be wrongdoers that even though we are so very busy implementing the provisions of ECQ, we will not be remiss in our duties and will continue to do everything we can to serve and protect the public," dagdag pa niya.

Ang tatlo ay mahaharap sa reklamong paglabag declaration of public health emergency sa bansa samantalang may dagdag kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isa pa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.