2 binatilyo sa Davao Occidental, lumangoy ng 2 oras para humingi ng saklolo

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

2 binatilyo sa Davao Occidental, lumangoy ng 2 oras para humingi ng saklolo

ABS-CBN News

Clipboard

Dalawang oras na lumangoy sina Jeric Mabuka at Pelindo Engcong para manghingi ng tulong. Larawan mula kay Daisy Hane Katiandagho

Hinangaan ang tapang at kabayanihan ng dalawang binatilyo sa bayan ng Sarangani sa Davao Occidental nang languyin nila ang Sarangani Strait sa loob ng dalawang oras noong Biyernes ng hapon para humingi ng tulong matapos masiraan ng bangka.

Ligtas na nakarating sa Barangay Konel sa Balut Island sina Pelindo Engcong, 14 taong gulang, at Jeric Mabuka, 15 taong gulang, bitbit lamang ang mga piraso ng styrofoam ng ice chest bilang alalay sa kanilang paglangoy.

Kinaya ng mga binatilyo ang paglangoy kahit na malalakas ang alon sa karagatan na ito, lalo't 9 na kapamilya nila ang sakay sa bangka na nakaranas ng engine failure.

Unti-unti na rin umanong pumapasok ang tubig-dagat sa bangka.

ADVERTISEMENT

Agad na rumesponde ang mga pulis, coast guard, at mga rescuer at nailigtas ang mga sakay ng bangka sa tulong nina Pelindo at Jeric.

Kwento ni Daisy Jane Katiandagho na nag-post sa social media ng litrato ng tinaguriang "young heroes", ligtas na dumating sa Balut Island ang mga sakay, na kinabibilangan ng mga matatanda at may mga menor de edad din.

"Sila ang sumagip sa kanilang mga kasama, at kundi dahil sa kanila, maaring hindi masagip ang mga sakay," ayon kay Daisy Jane.

Dagdag ni Daisy Jane, nagpadala na rin ng ayuda ang lokal na pamahalaan sa mga pamilya na sakay ng bangka.

Payo naman ng mga awtoridad na suriin ang sasakyang bangka bago bumiyahe at siguraduhing may dalang mga life jacket.

- ulat ni Hernel Tocmo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.