Sanggol sa Rizal 'binanlian,' patay
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sanggol sa Rizal 'binanlian,' patay
ABS-CBN News
Published May 16, 2023 07:31 PM PHT

Patay ang isang 3 buwang gulang na sanggol matapos umanong buhusan ng kumukulong tubig sa Cainta, Rizal.

Nagtago pa ang 18 anyos na suspek sa San Jose del Monte, Bulacan pero nahuli rin nitong madaling araw ng Martes matapos isuko ng kaniyang kaanak.

Hindi magkamag-anak ang biktima at suspek pero matagal na nitong inaalagaan ang bata, at itinuturing ding kapamilya ng ina ng biktima ang suspek.

Noong Lunes, bandang alas-5:30 ng madaling araw, lumabas umano ang suspek karga ang kapatid ng biktima, na pinaalaga sa kapitbahay at sinabing babalik siya matapos ang 30 minuto.

Pero umabot na nang alas-8 ng umaga ay hindi pa bumabalik ang suspek kaya nagdesisyon ang mga kapitbahay na puntahan ito dahil alam nilang may alaga ang suspek na isa pang sanggol. Doon umano nila natagpuan ang bangkay ng biktima.

"Pagbukas nila ng pinto. Sabi ko, 'yong kumot. Pagbukas nila ng kumot, dahan-dahan, 'yon na... Pagsilip namin maitim na, marami na siyang langgam," sabi ni alyas "Jenny" na nakadiskubre sa bangkay.

"Wala siyang dugo, 'yong lapnos lang," dagdag niya.

Ayon sa Cainta police, lapnos ang kalahating bahagi ng katawan ng bata at pati ulo nito, senyales na posibleng binuhusan siya ng mainit na tubig.

Ayon sa ina ng biktima, hindi niya inaasahan na ganoon ang sasapitin ng kaniyang bunso sa kamay ng itinuring niyang kapatid.

"Tiwala po kami talaga sa kaniya. 'Tsaka sa Bulacan, siya na naga-alaga sa mga pamangkin ko rin. Matagal na po namin siyang ampon-ampon saka talagang malapit po siya sa amin," anang ina.

Walang ibinigay na paliwanag ang suspek kung bakit niya nagawang kitilin ang buhay ng bata.

Isinailalim na rin sa autopsy ang bangkay ng biktima.

Lumapit na rin ang pamilya sa lokal na pamahalaan ng Cainta para makuha ang bangkay ng sanggol.

Dumaan na sa inquest proceedings ang suspek, na sinampahan ng reklamong murder.
Dumaan na sa inquest proceedings ang suspek, na sinampahan ng reklamong murder.
ADVERTISEMENT
Nakatakda namang iwui ang bangkay ng bata sa Bulacan para ilibing.

— Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT