Bahagi ng Glorietta nasunog
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bahagi ng Glorietta nasunog
ABS-CBN News
Published May 19, 2019 06:55 PM PHT
|
Updated May 19, 2019 11:02 PM PHT

MAYNILA -- (3rd UPDATE) Nasunog ngayong gabi ng Linggo ang isang bahagi ng Glorietta mall sa Makati City.

Nagsimula ang sunog sa isang milk tea shop sa ground floor ng Glorietta 2 bandang alas-6:20, ayon kay Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati police.

Idineklara naman itong fire out alas-6:31 ng gabi, ani Simon.

Itinaas ng Bureau of Fire Protection sa unang alarma ang sunog.
Itinaas ng Bureau of Fire Protection sa unang alarma ang sunog.
ADVERTISEMENT
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

Sugatan ang isang welder na kinilalang si Raymund Tacderan, 37 anyos. Ayon sa pulisya, nagtamo ng minor burn sa kanang bahagi ng baywang si Tacderan na agad din namang nalapatan ng paunang lunas.

Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng Glorietta na matapos sumiklab ang sunog ay agad nilang ipinalikas palabas ng mall ang mga kostumer at mga empleyado.

"The mall immediately assisted customers and mall employees to evacuate the immediate area," anang pamunuan ng mall.

Kasunod ng pagdeklara ng fire out ay agad din daw pinayagan ang mga kostumer at empleyado na makapasok ulit sa mall.

-- May ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT