3 suspek sa pagpatay sa trans man sa QC arestado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 suspek sa pagpatay sa trans man sa QC arestado
ABS-CBN News
Published May 23, 2021 04:53 PM PHT

Arestado ang 3 suspek sa pagpatay sa isang transgender man sa Quezon City, sabi ngayong Linggo ng pulisya.

Umamin umano sa mga awtoridad ang 3 lalaki na dawit sa pagpatay at panggagahasa kay Norriebi Tria o kilala sa pangalang Ebeng Mayor.

Kinilala sila bilang sina Zander dela Cruz, kababata ng biktima, at Joel Loyola at Richard Elvin Araza.

Natagpuan noong Huwebes ang bangkay ng 22 taong gulang na si Mayor sa isang bakanteng lote sa Barangay Bagong Silangan.

Ayon sa Quezon City Police District, sinampahan na ng kasong rape with homicide at robbery ang mga suspek.

Narekober din sa mga suspek ang cellphone ng biktima.

Nabatid din na nakulong na dati ang mga suspek dahil sa kasong ilegal na droga.

Ayon kay Dela Cruz, hindi planado ang nangyari at nadamay lang siya pero aminado siyang niyaya niyang gumamit ng ilegal na droga ang biktima bago nangyari ang krimen.

Ayon kay Chery Miclat, ina ng biktima, hindi nila lubos matanggap na kasabwat sa krimen ang mismong kaibigan ng biktima.

Nakiramay naman ang grupong Transman Equality and Awareness Movement sa pamilya ni Mayor, at nanawagan sa mga awtoridad na imbestigahan at bigyan ng hustisya ang pagpaslang sa biktima.

Umapela rin sila sa mga mambabatas na ipasa na ang SOGIE Equality Bill.

Kinondena rin ng Commission on Human Rights ang nangyari at sinabing panahon na para ipasa ang mga batas na magbibigay ng proteksiyon sa mga transgender.

Tinawag namang "barbaric act" ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang krimen.

Nagpaabot na rin siya ng pakikiramay sa pamilya at nangakong tutulong na makamit ang hustisiya.

-- Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
metro
metro news
krimen
Quezon City
crime investigation
trans man
Ebeng Mayor
hate crime
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT