Herd immunity ngayong taon 'malabo': OCTA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Herd immunity ngayong taon 'malabo': OCTA

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Naniniwala ang OCTA Research Group na malabong maabot ang herd immunity ngayong taon, na layon sana ng pamahalaan.

Sabi ni Prof. Guido David, OCTA research fellow, mas makatotohanang maabot ang tinatawag na "herd containment" kaysa herd immunity, kung saan 70 milyon ang target sanang maturukan kontra COVID-19.

Aniya, marami pa rin kasi ang ayaw magpabakuna.

"Hindi natin makukuha 'yung herd immunity dahil significant pa rin 'yung vaccine hesitancy 'tsaka hindi pa rin eligible 'yung mga minor natin. So ang estimate natin para makuha 'yung herd containment," ani David.

ADVERTISEMENT



Sa ilalim ng herd containment, dapat mabakunahan ang 50 percent ng populasyon sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 kabilang na ang NCR Pus.

"Kaya nating i-achieve yung sinasabi na containment, actually sa pagkakaalam ko ito na ang parang target ng national government, parang herd containment na lang. So we're vaccinating maybe 30 to 50 percent of the population. Depende kung high risk like NCR, mga 50 percent. Kung medyo light, moderate high risk, maybe we can vaccinate a little lower, mga 40 percent," paliwanag ni David.

Naniniwala naman si David na dahil bumababa ang mga kaso ng COVID-19, maaari nang magluwag ng quarantine classifications sa NCR Plus.

"Puwede tayong mag-further ease ng restriction kasi wala naman tayong nakikitang surge ngayon. So ganito yung strategy, habang bumababa at wala tayong nakikitang spike ng cases, puwede na tayong magluwag dahan-dahan on the way to economic recovery," sabi niya.

Ngayong Martes ay nakapag-ulat ang Department of Health ng 3,972 bagong COVID-19 cases kaya umabot na sa 1,188,672 ang mga naitalang nagpositibo sa bansa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.