Tamang sakayan, babaan ng UV Express ipatutupad

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tamang sakayan, babaan ng UV Express ipatutupad
ABS-CBN News
Published May 27, 2019 08:18 PM PHT

Ilang oras naghintay nitong Lunes ng masasakyan si Rebecca Padilla sa Mindanao Avenue, Quezon City papunta sa kaniyang trabaho sa Kamuning.

Mahirap daw kasing makipag-agawan ng upuan sa UV Express lalo na at mabilisan pa ang pagsasakay sa kalsada.

Hindi kasi terminal ng UV Express ang lugar na pinag-aabangan ni Padilla.

Mahigpit nang ipinatutupad ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sa terminal lang magbababa at magsasakay ng pasahero ang mga UV Express.

ADVERTISEMENT
Tingin ni Padilla ay mas mahihirapan siya dahil sa pinaigting na pagpapatupad sa patakaran.

"Mahihirapan ako siyempre kasi hindi naman iyon 'yong mismong destinasyon ko kaya mapapalayo ako," ani Padilla.

Taong 2005 pa ang utos na terminal to terminal lang ang mga UV Express kaya hindi na raw dapat ito bago sa mga driver, ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra III.

Magkaiba ang reaksiyon ng ilan sa mga UV Express driver pero aminado silang ang mga pasahero naman ang mahihirapan.

"Mawawalan kami ng kita kasi imbes na sasakay sila sa amin, dahil bababa sila sa malayo, hindi na sila sasakay," anang UV Express driver na si Onyok Tiopes.

Ayon sa LTFRB, inaayos na nila ang ruta ng mga pampublikong sasakyan.

Aabot ng nasa P5,000 hanggang P9,000 ang multa ng mga lalabag sa ruta.

Para kay Padilla, hindi pa handa ang ibang alternatibong masasakyan.

Imbes na P25 lang sana ang nagastos ngayong Lunes ni Padilla sa UV Express, inabot siya ng halos P200 sa pagsakay sa taxi.

--Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
transportasyon
UV Express
terminal
Land Transportation Franchising and Regulatory Board
pasahero
Martin Delgra III
TV Patrol
TV Patrol Top
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT