Babaeng biktima ng krimen, iniwan sa tabi ng kalsada

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babaeng biktima ng krimen, iniwan sa tabi ng kalsada

Jennifer Garcia,

ABS-CBN News

Clipboard

Sa gilid ng kalsada iniwan ng hindi pa nakikilalang suspek ang babaeng humihinga pa umano nang dalhin sa ospital. Larawan mula sa Dumangas Municipal Police Station

DUMANGAS, Iloilo – Humihinga pa nang isugod sa pagamutan ang isang babaeng biktima ng krimen nang matagpuan sa gilid ng kalsada sa Barangay Talusan sa nasabing bayan, Martes ng umaga.

Pero idineklara nang dead on arrival ang hindi pa nakikilalang biktima.

Bukod sa tama ng bala sa dibdib, nakatali pa ang mga kamay ng biktima at may duct tape din ang bibig nito.

Ayon sa ilang testigo, nakita nila ang biktima na pinababa sa isang sasakyan kasama ang isang lalaki. Maya-maya pa ay nakarinig na sila ng apat na putok ng baril.

ADVERTISEMENT

Patuloy pa ring inaalam ng awtoridad kung sino ang pumaslang sa babae at kung ano ang motibo sa krimen.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.