Mga nasa liblib na lugar namomroblema sa panukalang 'blended learning'

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga nasa liblib na lugar namomroblema sa panukalang 'blended learning'

Charmane Awitan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 05, 2020 09:38 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

BUTUAN CITY —Matapos magdesisyon ang pamahalaan na ituloy ang pagbubukas ng school year sa Agosto sa gitna ng pandemya, marami ang nababahala kung kakayanin ba nila ang panukalang "blended learning."

Sa ilalim ng blended learning, gagamit ng telebisyon, radyo, at internet ang mga estudyante para sa pag-aaral nilla, at kung maaari ay iiwas na sa face-to-face interaction.

Pero namomroblema ang mga residente ng Barangay Don Francisco sa Butuan City kung paano makakapag-aral ang mga estudyante gayong walang signal ang telcos doon at hindi rin nasasagap ng TV ang government stations.

Kung may importanteng tatawagan, kailangan pa nilang maglakad nang isang kilometro papunta sa may signal na lugar o kaya'y aakyat sa bundok. Screengrab

Kaya ang laborer na si Erin Sumalinog, na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, nag-aalala sa pagbubukas ng school year.

ADVERTISEMENT

Aniya, baka hindi na lang muna niya pag-aralin ang kaniyang anak lalo't wala siyang pambili ng cellphone at laptop.

Sabi naman ng isa pang ina na si Analiza Montes, hirap na nga ang mga anak niya sa pag-intindi ng leksyon sa paaralan ay mas lalo pang kalbaryo ngayon ang e-learning.

Kung may importanteng tatawagan, kailangan pa nilang maglakad nang isang kilometro papunta sa may signal na lugar o kaya'y aakyat sa bundok.

Ang Grade 6 student na si Jaira Montes, excited na sana na mag-aral ngayong taon pero aminadong mahihirapan siya sa online class.

Aminado ang gurong si Rosenel Garrigues na gusto niyang face to face ang klase kahit 10 estudyante lang dahil mahirap sa kanilang lugar ang signal.

Una nang nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagan ang physical o face to face classes hanggang magkaroon na coronavirus vaccine.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.