‘Matira matibay’: Dagsa ng mga tao sa pagluwag ng NCR lockdown pinaghahandaan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Matira matibay’: Dagsa ng mga tao sa pagluwag ng NCR lockdown pinaghahandaan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Dalawang araw bago ang pagpapatupad ng general community quarantine sa Metro Manila ay nagsimula nang maghanda ang mga residente sa pangambang dagsain ang establisimyento at mga kalsada pagdating ng Lunes, Hunyo 1.

Ang isang supermarket sa Sikatuna Village sa Quezon City, mahaba ang pila.

Isa rito si Sharon Capuli na nangamba sa dagsa ng mga tao sa lansangan sa Lunes kaya minabuting mamili na ngayon.

“Ang tawag ko dito Survivor Philippines: COVID edition kasi talagang matira matibay na ito,” ani Capuli.

ADVERTISEMENT

Work from home noong enhanced at modified enhanced community quarantine si Eva Cadiz, administrative officer ng UP Diliman College of Music at inaasahan niyang magiging bahagi siya ng skeleton workforce sa unibersidad.

Kaya naman, namili na rin siya ng mga kailangan sa bahay para hindi na sumabay sa bugso ng tao sa Lunes.

“Nakakatakot kasi magbubukas ang mas maraming industriya na hindi naman nagkakaroon mg mass testing,” ani Cadiz.

Ang empleyado sa travel industry na si Rowena Coloma, dalangin na maging ligtas ang lahat sa harap ng pagpapatupad ng general quarantine.

“Naiintidihan ko na the economy has to roll kaya nagpapatupad ang gobyerno nito, pero ang kailangan ng mga tao ay disiplina at mag-ingat pa din na hindi kumalat ang virus,” ani Coloma.

Pagkatapos ng 2 buwang mahigpit na lockdown, ilalagay na sa general community quarantine ang Metro Manila, kung saan papayagan na ang pagbabalik-operasyon ang ilang sektor gaya ng public transportation, at ang dagdag-kapasidad sa ilan pang sektor na pinapayagan nang magbukas sa mga nauna pang lockdown.

Pero bawal pa ring lumabas ang mga may edad 21 pababa, mga buntis, at mga maysakit o mahina ang resistensiya, at may ilang sektor na tigil-operasyon pa rin para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

-- Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.