Sinaktang Manila traffic enforcer pinarangalan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sinaktang Manila traffic enforcer pinarangalan

ABS-CBN News

 | 

Updated May 31, 2021 12:56 PM PHT

Clipboard

Kinilala ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang traffic enforcer na tampok sa viral video noong nakaraang linggo na sinasaktan ng isang babaeng traffic violator, Mayo 31, 2021. ABS-CBN News

Pinarangalan ngayong Lunes ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang traffic enforcer na na-video-han na sinasaktan ng isang babaeng traffic violator noong nakaraang linggo.

Sa flag-raising ceremony, kinilala ng lokal na pamahalaan si Marcus Anzures ng Manila Traffic and Parking Bureau dahil umano sa katapatan nito bilang alagad ng batas at pagkakaroon ng pasensiya kahit umabot na sa pisikalan ang situwasyon.

Sa video na nag-viral noong nakaraang linggo, mapapanood na sinuntok, sinigawan at kinuwelyuhan si Anzures ng isang babaeng hinuli niya dahil hindi sumunod sa red light.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon kay Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, isang mabuting ehemplo si Anzures na dapat tularan ng mga katrabaho sa kanilang opisina, na dating nasasangkot sa ilang katiwalian.

ADVERTISEMENT

Naabutan din ang enforcer ng cash reward para sa kaniyang pamilya.

"Bagama't napakahirap ng kaniyang tungkulin, maaaring makapagbigay ng init ng ulo sa kaniya o maaaring siya'y lumabag sa batas at umiral ang personal na damdamin, ngunit ang lahat ng 'yon, isinantabi niya," ani Domagoso.

Nabatid kalaunan na gumagamit ng droga ang babae sa viral video kaya bukod sa mga kasong driving without license, direct assault at disobedience to persons in authority, kakasuhan din siya ng paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

-- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.