Babae, timbog sa umano'y pagnanakaw sa 'pisonet' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babae, timbog sa umano'y pagnanakaw sa 'pisonet'
ABS-CBN News
Published Jun 01, 2018 12:27 AM PHT

Naaresto ang isang babae matapos umanong mahuling nagnanakaw sa isang computer shop sa Sta. Mesa, Maynila noong Miyerkoles.

Nakuhanan pa ng CCTV ang umano'y pagdakot ni Ronalyn Mae Enguerra ng barya mula sa kaha ng isang "pisonet."

Sa kabila ng footage, itinanggi ni Enguerra ang reklamo laban sa kaniya at sinabing ang mga batang kasama sa computer shop noong mga sandaling iyon ang may sala.

"Hindi ako 'yong nag-open [nung kaha], 'yong mga bata... sa'kin lang lahat pinasa," ani Enguerra.
"Hindi ako 'yong nag-open [nung kaha], 'yong mga bata... sa'kin lang lahat pinasa," ani Enguerra.
ADVERTISEMENT
Ayon naman kay Superintendent Ruben Ramos ng Manila police, bagaman malaki ang naitutulong ng mga CCTV sa paglutas ng krimen, hindi ito ang sagot lalo para maiwasang mabiktima ng mga masasamang loob.

Samantala, nakuhanan din ng CCTV sa Sta. Mesa ang umano'y tangkang pagnakaw ng dalawang lalaki sa isang motorsiklong nakaparada sa labas ng isang fast food chain.

Sa kuha, mapapanood ang dalawang lalaki na pasimpleng lumapit sa motorsiklo.

Sumakay pa ang isa sa kanila na tila siya ang may-ari ng motorsiklo pero sa halip na paandarin, binali nito ang lock ng motorsiklo.

Subalit hindi agad nahatak ng mga lalaki ang motorsiklo dahil sa guwardiya ng establisimyentong nagmamasid sa paligid.

Sa huli, wala na silang nagawa kaya umalis na lang.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT